“May nagkakalat!” Vice Ganda, inalam kung kanino galing ang nakakalat sa sahig | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

“May nagkakalat!” Vice Ganda, inalam kung kanino galing ang nakakalat sa sahig | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Dec 03, 2024 08:22 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Our stories shine this Christmas, Kapamilya! Pasko na talaga ang feels with the launch of the “ABS-CBN Christmas ID 2024” kung saan tampok ang mga Kapamilya artists at kwento ng mga ordinaryong Pilipino. Napanood n’ya ba ang “It’s Showtime” family na nakiki-spread ng love and cheer for the holidays? 

Magsha-shine rin ang mga cuties na give na give sa acting! Sa “Showing Bulilit,” ipapakita nina Argus, Kulot, Imogen, Kelsey at Stephen ang kanilang galing! 

Cuteness with hints of kilig ang hatid nina Kulot at Stephen sa isang eksena mula sa “Hello, Love, Again.” Nag-ala Marga Mondragon naman si Kelsey; at may pa-Rachel McAdams acting si Imogen. Si Argus, mala-Gerald Anderson lang naman ang datingan! 

Christmas season pa lang, pero with JMielle (JM dela Cerna at Marielle Montellano), pa-Valentines na ang feels! Naka-couple sweater ang dalawa. Tanong tuloy ng ‘Showtime’ family, pinag-usapan ba ‘yan sa ‘late night talk’ nila kagabi? Uy, si Kim Chiu, parang gusto rin ng ka-matchy-matchy! 

ADVERTISEMENT

Tamang-tama ang pagkaka-bake ng happiness and inspiration para sa buong nation! For today’s “And The Breadwinner Is,” ang huhula kung sino ang breadwinner na tindera sa bakery ay walang iba kundi si Sanya Lopez.

Sa unang sulyap at kilatis, si Trabahador 1 agad ang napili ni Sanya dahil kamay at kuko nito’y malinis. Pero, matapos ang nakakaaliw na performances sa aktingan at tagos sa pusong sagot sa isang katanungan, si Sanya, nalito nang tuluyan. Hindi napanindigan si Breadwinnable 1; nabudol sa sagot ni number 2! 

Sayang, Sanya! Ang hinahanap na breadwinner na bantay sa bakery ay si Trabahador 1, ang 27-year-old na bagama’t may iniinda sa kalusugan, magpapanggap na walang sakit na nararamdaman para sa pamilyang may pangangailangan. Hahangaan mo ang big-heartedness niya, lalo na sa inang iniwan sila, pero pati kapatid sa ina ay sagot na rin niya. 

Ang mga breadwinners, sa sobrang pagmamahal sa iba’y nakakalimutan nang mahalin ang sarili nila. Para ipaalala na sila’y mahalaga, nagpaabot ng pagmamahal at regalo ang ‘Showtime’ sa pangunguna ni Vice Ganda.

Mga pangarap ay ilalaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

ADVERTISEMENT

“Your time has come,” sabi ni hurado Darren Espanto kay Marie Cris Bongcayao ng Zamboang Del Sur Provincial Government College-Midsalip Campus, na ibinuhos ang puso sa kan’yang pag-awit. 

Bukod sa naaliw ang ‘Showtime’ hosts kay Ronaldo Palacio ng Aroroy Municipal College na papasa bilang ‘kalokalike’ ni Diwata, natuwa rin sa performance niya ang mga hurado bagama’t nabilangan siya ng isa. Minsan na pala siyang natulungan ni Vice Ganda na sinagot ang flight niya pauwi ng probinsya. From working as a waiter, ngayon ay balik-eskwela si Ronaldo. 

Pero sa huli, si Marie Cris ang nakasungkit ng golden mikropono. Siya ang aabante sa susunod na Prelim round.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

ADVERTISEMENT

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.