Tatay Ramon, nakatanggap ng brand new tricycle mula sa It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatay Ramon, nakatanggap ng brand new tricycle mula sa It’s Showtime

Tatay Ramon, nakatanggap ng brand new tricycle mula sa It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Dec 21, 2024 09:26 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Test of ‘kilatis’ skills ang hamon kina Kai Montinola at Rain Celmar sa “And The Breadwinner Is.” Ang task nila na hanapin ang totoong breadwinner tricycle driver, maging test din kaya ng kanilang friendship?

No’ng una ay magkaiba sila ng napiling Breadwinnable. Kaya ang final pick, dinaan na lang sa bato-bato-pick! Pero, ang ending, mali sila ng tinayaan. Dahil ang tunay na breadwinner tricycle driver ay si Breadwinable 2,  ang 52-year-old na si Ramon.

Basta driver, sweet lover. Si Tatay Ramon, mamahalin ang pamilya forever. Mahirap pagkasyahin ang kinikita, lalo pa’t hindi na regular ang biyahe since pandemic. Madalas nauuwi sa utang ang kagipitan. Dahil bilang kuya, gagawin niya ang lahat para makatulong sa mga kapatid na walang ibang malalapitan. 

Pangrap niya na mapagtapos ng pag-aaral ang apat na anak, at proud siya dahil may isang graduate na sa pamilya, at cum laude pa! Tatay, deserve mo rin ang medalya. At deserve mo ang bagong tricycle para ma-upgrade na ang kasa-kasama mo sa pamamasada since 1997. 

ADVERTISEMENT

Samantala, dahil sa kwento ni Tatay Ramon, naalala ni Kim Chiu ang daddy niya. Ramdam niya ang hirap ng mga ulirang tatay, kaya naman meron siyang espesyal na regalong ibibigay. Isang pagsaludo sa mga tatay na kumakayod para sa pamilya! 

Nagningning ang mga estudyanteng may talent sa singing! Matinding bakbakan ng mga boses na pangmalakasan ang naganap sa Preliminary round ng  “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagbabalik ang pambato ng Caraga State University, si Roy Peralta, na hinaplos ang puso ng lahat sa pag-awit ng “Kanlungan.” Teary-eyed tuloy si Jackie Gonzaga while watching the performance.

You Are The Reason” naman ang kinanta ni Benedict Vinluan sa entablado, bitbit ang bandera ng Saint Joseph School of San Jose City, Nueva Ecija.

Pangako,” hugot ni Zhena May Bazar, ang pambato ng IETI College of Science and Technology na walang aatrasan pagdating sa kantahan. 

ADVERTISEMENT

Muling kumutitap ang galing ni Alexa Lim sa pagkanta ng “Rockabye.” Holy Name University ay siguradong proud sa performance na kan’yang ibinigay.

Bagong tunog naman ang inihain ni Myx Ofqueria ng Cebu Technological University-Bantayan Extension sa pag-awit ng “Lumayo Ka Man Sa Akin.” 

Samantala, sa gitna ng kwentuhan tungkol sa mga lugar at bansang gusto nilang puntahan, nagpagalingan ang ‘Showtime’ family sa isang impromptu French and Japanese lessons. 

Siguradong magpapaskong masaya si Alexa, ang pambato ng Holy Name University, dahil siya ang hinirang na Top 1 sa araw na ‘to. Aabante siya sa Midterms

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.