‘Lassy’ ng Palawan, ipinarinig kung paano tumahol ang aso | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Lassy’ ng Palawan, ipinarinig kung paano tumahol ang aso | It’s Showtime

‘Lassy’ ng Palawan, ipinarinig kung paano tumahol ang aso | It’s Showtime

 | 

Updated Nov 22, 2024 06:47 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Madlang People, 33 days na lang Pasko na! Nalista na ba ang mga reregaluhan ngayong Kapaskuhan? Nagsimula na bang mag-budget ng Christmas bonus? Ang ‘Showtime’ staff, sigurado na ang bonus from the Unkabogable Star Vice Ganda! Deserve naman dahil ginalingan! Kita ‘nyo naman ang pa-snow sa studio! Kaunting magic at creativity lang ang kailangan para ma-achieve ‘yan!

Hindi lang sila ang may regalo dahil studio audience rin ay may early aguinaldo! At para mas ramdam ang holiday season, isang Christmas song ang handog ni Meme sa buong nation.

Performance to the highest level ang ganap ng mga semifinalists na itinodo ang pagpapanggap sa “Kalokalike Face 4.”

Literal na ‘dog show’ ang ginawang pagpapatawa ni Lassy, este, ‘yung copycat pala! Kaya rin ba n’yang makipagsabayan sa ka-tandem na si MC? At ano’ng masasabi ng OG Lassy na mas ‘maganda’ sa kan’ya ang nanggagaya?

ADVERTISEMENT

“Di ko kayang tanggapin,” sabi n’ya sa kan’yang awitin. Today, more good vibes ang hatid n’ya sa atin. Maki-jam at makiagaw ng sombrero mula sa kalokalike ni April Boy Regino.

Sa kanyang pagharap, abot na abot n’ya ang pangarap. Sisikapin din niya na makaabot sa Grand Finals. Sa Kalokalike Face 4, makakatanggap ba ng award si Jillian Ward?

Mala-grenade ang pasabog ni Bruno Mars kalokalike. Sa pa-concert na free, you can count on him like 1, 2, 3!

Hindi nagpahuli sa karera dahil she’s born to win. Oh, shux, ano ba itong nadarama? Ready to bloom ang kalokalike ni BINI Jhoanna.

Ang Asian Drama King, nagbabalik para spot sa Grand Finals ay angkinin. Pangako ni Jericho Rosales kalokalike, ika’y kan’yang pangingitiin.

Matapos kilatisin nina hurado Teddy Corpuz at Jugs Jugueta, Gladys Reyes, Rufa Mae Quinto, at Mavy Legazpi, tatlong semifinalists lang ang umangat for today’s video–sina Bruno Mars, Jericho Rosales, at April Boy Regino! See you sa Grand Finals sa Sabado!

Mga palaban na estudyan-tinig ang mananaig sa 31st Prelims ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Apat na young mang-aawit ang nagbabalik para ilaban ang kanilang pwesto.

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng University of Mindanao, si Shane Castillo. Bersyon n’ya ng “Didn’t We Almost Have It All,” tatagos sa mga pusong nasaktan matapos ma-fall.

Lumaban para sa pangarap ang representative ng National College of Science and Technology, si Russel John Libanan, na hinarana ang madlang people at mga hurado sa awiting “Making Love Out Of Nothing At All.”

Si Jewel Maj Magat, ang ipinagmamalaki ng Lyceum of the Philippines-Cavite, itinodo ang singing prowess. Sa pagkanta ng “Royals,” binigay niya ang best!

Nagpa-wow rin sa entablado ang bet ng Tubod College na si Yvette Celoso. Ipinarinig niya sa madla ang bersyon ng hugot song na “Naririnig Mo Ba.”

Sa huli, si Yvette ang hinirang na Top 1 matapos makakuha ng pinakamataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Darren Espanto.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.