KZ Tandingan ng La Union, may pasabog na performance sa KalokaLike Face 4 semifinals | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KZ Tandingan ng La Union, may pasabog na performance sa KalokaLike Face 4 semifinals | It’s Showtime

KZ Tandingan ng La Union, may pasabog na performance sa KalokaLike Face 4 semifinals | It’s Showtime

 | 

Updated Nov 21, 2024 11:37 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nararamdaman n’yo na ba ang lumalamig na mga gabi? Eh, ‘yung traffic na nakakalerki? Si Bela Padilla, may recent traffic horror story! Nagpaparamdam na ba ang mga inaanak n’yo? Senyales na ‘yan na papalapit na nga ang Pasko.

At para sa early Christmas mood, may regalong caroling si TNT champ Lyka Estrella! Ito pa ang pampa-excite sa pagsisimula ng Pasko season! Ang ‘Showtime’ family, may pa-teaser sa inaabangan na Kapamilya Christmas Station ID.

Siksik sa tawa, kulit, at kaunting tears of joy ang Day 4 ng “Kalokalike Face 4” Semifinals!

Four-time MVP sa court, ready na si Stephen Curry na maging MVP sa puso ng mga hurado. O, huwag mamalikmata! Si Stephen ‘yan, hindi mini-manika! Mabuti pa subukan natin ang basketball skills niya sa one-on-one match with Vice Ganda.

ADVERTISEMENT

“Mahal ko o mahal ako?” tanong ni KZ Tandingan sa radyo. For sure, mamahalin mo rin ang kalokalike n’ya! With fairy-god Meme, natupad ang wish ni KZ Kalokalike na makausap ang idol n’ya. Ang OG KZ, parang nananalamin lang sa screen, pati mga singers na kasama n’ya tulad ni Yeng Constantino at Kyla, namangha na parang nakakita ng isang salamangka!

Si Boy Abunda ang bibida, now na! Sabi ng salamin, si contestant 3 ay kamukhang-kamukha, siya na! ‘King of Talk’ kung tawagin. Sa Kalokalike, siya ba’y maghahari rin? Fast Talk muna in 3, 2, 1!

Sa pagbabasa ng sulat siya ay angat, patutunayan naman n’ya sa patimpalak na ‘to na may mukha siyang maihaharap. Huwag kukurap dahil si Charo Santos na ang gaganap!

Sa ‘Showtime’ stage, tindahan n’ya ay dinala! Performance ni Boss Toyo, ano’ng score kaya ang halaga? Eh, underwear ni Ogie Alcasid na parang bacon daw ang itsura, pwede bang ibenta?

Madlang Blooms ay naghiyawan nang si BINI Gwen ay humataw na sa harapan! Hindi lang mukha ang copy, kundi pati ‘yung very Gwenny na nonchalant energy. Ano’ng score kaya ang BINI-gay ng mga hurado at madlang people?

Matapos kilatisin ng mga hurado, tatlo lamang ang umangat sa anim na semi-finalists for today’s video. Ang Top 3 ay sina KZ, Stephen, at Charo Kalokalikes. See you sa Grand Finals sa Sabado!

Mga young mang-aawit, bibirit para golden mikropono ay masungkit sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Lyceum of the Southern Luzon reprezent! Isang harana ang handog ni James Carlo Permante na inawit ang OPM classic na “Hanggang” sa TNT stage. Komento ni hurado Zsa Zsa Padilla, kulang ang emosyon ni James Carlo, nevertheless, oks sa kan’ya ang pagkanta nito.

“Stand Up For Love,” birit ni Yvette Celoso ng Tubod College. Pinuri naman ni hurado Ogie Alcasid ang malupit na performance ni Yvette.

Mataas na 95.3% ang nakuhang grado ni Yvette. Siya ang panalo sa araw na ito, at aabante sa susunod na Preliminary round.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.