Patrol ng Pilipino: Mga kantang sumikat sa Himig Handog at Philpop, balikan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Mga kantang sumikat sa Himig Handog at Philpop, balikan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Tampok ang mga bagong kanta mula sa mga sikat at bagong OPM artists sa pinakamalaking collaboration sa kasaysayan ng Philippine songwriting festival.

Simula noong 2000, naging tahanan ang Himig Handog songwriting competition sa pagpapakita ng mga kantang nagtataglay ng makulay at malalim na damdamin—mula sa love songs at heartbreak hanggang sa mga awit na naglalarawan ng buhay at kultura ng mga Pilipino.

Ang mga kantang gaya ng "Kung Ako Na Lang Sana" ni Bituin Escalante, “Tara Tena" nina Kyla, Kaya, at V3, "Hanggang" ni Wency Cornejo, at "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel Padilla ay ilan lamang sa mga awitin na hindi lang pumatok, kundi naging soundtrack ng buhay ng maraming tagapakinig.

Samantala, ang PhilPop na nagsimula noong 2012, ay nagbigay din ng bagong sigla sa OPM, lalo na sa pagtulong sa mga baguhang kompositor na makapasok sa industriya.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng PhilPop ay ang "Dati" nina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos at Quest, "Sana Pinatay Mo Na lang Ako" ni Kimpoy Feliciano, at ang "Di Na Muli" ng The Itchyworms.

Patuloy na nagiging makulay at malikhain ang songwriting fest nitong taon sa pamamagitan ng natatanging partnership ng Himig Handog at PhilPOP.

Ayon kay Jared Kuo, program coordinator ng PhilPOP, “Iba yung perspective ng PhilPop at Himig Handog sa OPM, so by combining the two, na-combine namin ang expertise ng parehong parties, at nagdala ito ng bagong tunog."

Sa patuloy na tagumpay ng Philipop Himig Handog, hindi lamang nila itinatampok ang mga talentadong Pilipino, kundi pati na rin ang kahalagahan ng Filipino music sa kasaysayan ng bansa.

–Ulat ni Anjo Bagaoisan, Patrol ng Pilipino
Video produced with Lei Tabucon & Xyreen Musngi

Read More:
Patrol ng Pilipino
Anjo Bagaoisan
Himig handog
Philpop
Songwriting Festival
Philpop Himig Handog
OPM
music
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT