'Tao Po': Ang mga pinagdaanan ng Titular couple bago mahanap ang kanilang boses | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po': Ang mga pinagdaanan ng Titular couple bago mahanap ang kanilang boses

ABS-CBN News
Published Apr 15, 2025 11:31 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tinaguriang Titular Couple ang mag-asawang Ron at Joyce Titular, dalawang magkaibang indibidwal na pinag-isa ng kanilang mga boses.

Mula sa isang panayam, binigyang kahulugan ng mag-asawa ang salitang voice.

"Voice actually is an essential part of who we are, it’s the way we express ourselves, you know and you know, we are wired for expressions so for the voice is the audible expression of who we are and everything we feel," ani ni Ron.

"For me voice is your tongue print in the air because there’s no voice like your voice," dagdag ni Joyce.
"For me voice is your tongue print in the air because there’s no voice like your voice," dagdag ni Joyce.
ADVERTISEMENT
Marahil hindi mo kilala ang mag-asawang ito, pero baka narinig mo na sa bus, sa FX, sa TV, sa Facebook, sa radyo, o di kaya sa mga terminal ang kanilang mga boses.

Sa kabila ng pagiging halos perpekto ng kanilang mga boses, hindi aakalain ng kanilang mga tagahanga na minsan nang nawala ang kanilang mga boses na mahigpit nilang pinanghahawakan.

Itinuring na first heartbreak ni Ron ang pagkakatanggal niya sa radio station ng kanilang paaralaan noong siya ay highschool pa lamang. Hindi raw pang radyo ang kaniyang boses.

Dagdag pa rito ang kritisismo ng kaniyang sariling ina at ikinumpara ang kaniyang boses sa sikat na Disney character na si Mickey Mouse.

Minsan na ring muntik sukuan ni Joyce ang kaniyang boses dahil sa pagkakamali sa isang hosting sa isang event noon.
Minsan na ring muntik sukuan ni Joyce ang kaniyang boses dahil sa pagkakamali sa isang hosting sa isang event noon.
ADVERTISEMENT
"Freeze. As in talagang blanko. Kung ano nakikita mo sa internet, yung mga beauty queen na nabablanko, yun na ako," pagkukwento niya.

Sa kabila ng mga kritisismo at kawalan ng tiwala sa kanilang mga boses, mabuti na lang at hindi nila naisipang tuluyang ihinto ang paggamit nito.

Naitayo ni Ron ang kaniyang pangarap na studio at ang apat na sulok nito ang naging piping saksi sa kanilang love story.

Mula sa simpleng pangarap, ngayon, tatlong dekada na sa industriya ang mag-asawang Titular.

Sa loob ng tatlong dekada, hindi lang sila tumatanggap ng hosting gigs, projects, at events, isa na rin sila sa naging haligi ng pagpapanday ng boses ng mga katulad nilang nangangarap.

Ang kanilang studio ay naging tahanan na rin ng iba't-ibang estudyante mula sa iba't-ibang sulok ng mundo.

Ano nga ba ang kailangan para maturuan ng Titular couple?

"We really don’t value confidence , what we value more is yung courage, yung tapang na kahit feeling mo hindi ka magaling, eh tatayo ka at magsasalita ka. You need to have courage to get up and speak," saad ni Joyce.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (March 30, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.