'Tao Po' : Kwento sa likod ng 'Things You Wanted To Say But Never Did' project ni Geloy Concepcion | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po' : Kwento sa likod ng 'Things You Wanted To Say But Never Did' project ni Geloy Concepcion

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2025 01:41 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Noong taong 2019 sinimulan ng US-based Pinoy photographer na si Geloy Concepcion ang proyektong pinamagatan niyang, “Things You Wanted To Say But Never Did.”

Kwento niya, "Nagtanong ako sa Instagram ko. Parang story lang, “What Are The Things That You Wanted To Say But Never Did?” Kinuha ko yung mga words na yun tapos nilapat ko siya sa mga images na archive ko na mga film photos. Nagsimula yun na parang 1 week, may 80 na nag-submit tulad ng notes. Tapos ngayon, may naipon na yung project na 250,000 letters na galing sa iba’t-ibang bansa na hindi ko kilala kung sino-sino."

Sabi ni Geloy, naging inspirasyon niya sa pag-vandalize kumbaga ng mga litrato ang nakahiligan niyang street photography.

"Kami nung bestfriend ko photographer din. Nung nandito pa ko sa Philippines, naglilibot lang kami para maghanap ng vandals nung mga tao. Kasi sobrang raw nung emotion. 'Yung mga nakasulat sa pader diba, 'mahal kita,' mga ganoon. 'Ba't mo yun ginawa sakin?' 'Yung mga para siyang, di mo na makikilala yung mga nagsulat nun. Pero para isulat niya yun dun, gusto niya yung malaman ng lahat."

Kaya tulad din ng mga sulat sa pader, naisip niyang gawing anonymous ang online confessions.

Doon na lumalim ang mga mensaheng natatanggap niya. Merong tungkol sa pagluluksa, mga karamdaman, at iba pang nakapanlulumong karanasan.

"Ang daming sumulat doon about sexual assault, mostly nasa family siya or close friends. Kumbaga yung mga talagang pinagkakatiwalaan mo."

Pero may isang pinakatumatak kay Geloy para masabi niya sa sarili na mukhang may nasimulan siyang project na kakaiba.

"Super lalim parang sabi niya parang nakaschedule na raw yung ano niya yung pag-take niya sa buhay niya. Pero nakita niya yung project, tapos pinostpone niya. So yun, nung nabasa ko yun parang di pala to joke na project nabasta basta. Ano pala siya, life and death ‘no? Situation. Hindi lahat, pero kumbaga meron pa lang mga ganun."

Pangako ni Geloy, hindi siya titigil hangga’t may nag-oopen up sa kanya.

Kalaunan, sinimulan din niya ang ‘Nice To Meet You My Friend’ project.

Ito ay para naman magkaroon ng mukha ang napakaraming sulat na kanyang natatanggap mula sa naunang project.

Ulat ni Andrea Taguines para sa programang Tao Po. (March 16, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.