'Tao Po': Tiwala sa isa't isa, nabuo sa mahabang samahan ng improv group na SPIT Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Tiwala sa isa't isa, nabuo sa mahabang samahan ng improv group na SPIT Manila

'Tao Po': Tiwala sa isa't isa, nabuo sa mahabang samahan ng improv group na SPIT Manila

ABS-CBN News

Clipboard

'Tao Po': Tiwala sa isa't isa, nabuo sa mahabang samahan ng improv group na SPIT Manila
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Ilan lang ang "Madame Oracle" at “Eh Ikaw” sa mga pinauso ng grupong SPIT Manila - isang improv theatre group.

2002 nang binuo ng dating TV host-actor and performer na si Gabe Mercado ang grupo.

Walang script ang bawat act na ipinapakita nila sa audience. Improvisation ang tawag sa ganitong pagtatanghal.

Malaking bagay ang nagawa ng social media sa kanilang grupo ng magsimula silang mapansin ng netizens.

ADVERTISEMENT

Kwento ni Dingdong Rosales, isa sa mga founding member ng grupo, "Matagal na yung Facebook namin, matagal na yung Instagram pero wala siyang laman for all these years and siguro from the last 20 years ng Spit, 10,000 followers lang kami sa Facebook. Last year lang siya lumobo up to almost a million in 2024 lang talaga."

Nabigla rin sila nang naso-soldout na ang kanilang mga show.

"Dati kasi usually cafe or bar lang kami nagp-perform. 50 to 80 people masaya na kami kung nakalahati ‘yon. Nakatulong 'yung may kilala factor dahil gusto nila kami mapanood, hindi ka naman mag aabang ng 11:59pm for a ticket kung hindi mo talaga kami gusto mapanood."

Sa ilang taong pagsasama sa labas man o gitna ng entablado, tiwala sa isa’t isa ang nabuo ng grupo – sikreto para magtagal ang kanilang samahan at makapagbigay ng magandang palabas.

"In improv tinuturuan kaming okay lang magkamali kasi team naman tayo sasaluhin ka. It took us years to get to this level of trust na, I don’t worry anymore kung when I go on stage kasi alam ko they’re gonna take care of me so all I need to do is be there be present and be there for them because they will be there for me anyway."

Ulat ni Ganiel Krishnan para sa programang Tao Po. (February 23, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.