Nora Aunor, ‘Superstar’ din ng ilang Gen Z

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nora Aunor, ‘Superstar’ din ng ilang Gen Z
MAYNILA — Sa galing ni Nora Aunor, ilang mga kabataan, naging Noranian din.

Hindi lang mga taga-Baby Boomer generation kundi maging mga Gen Z din ang dumalo sa parangal at libing para sa Pambansang Alagad ng Sining na mas kilala bilang “Ate Guy”.

Para sa kanila, isa siyang mahusay na artista, taong nagbigay ng saya, pag-asa, at kabutihan sa kanyang fans.

Bukod sa pag-arte hinangaan din ang pagsalamin niya sa mga usaping panlipunan sa mga pelikulang nagbukas ng pananaw ng mga nanood nito.

ADVERTISEMENT
Bata man o matanda, wala sa edad ang pagpakita ng pagmamahal at pasasalamat sa nag-iisang “Superstar” hanggang sa huli niyang hantungan.

– Ulat ni Victoria Tulad, Patrol ng Pilipino

Video produced with Mary Dei Torres
Video produced with Mary Dei Torres
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT