TV PATROL: OPM icon Hajji Alejandro pumanaw na sa edad na 70 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TV PATROL: OPM icon Hajji Alejandro pumanaw na sa edad na 70

ABS-CBN News

Clipboard

TV PATROL: OPM icon Hajji Alejandro pumanaw na sa edad na 70
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pumanaw na ang isa pang haligi ng Original Pilipino Music na si Hajji Alejandro sa edad na 70. Sa isang pahayag, kinumpirma ng pamilya ang pamamaalam ni Hajji at humiling na mabigyan sila ng pagkakataong makapagluksa nang pribado. 

Dahil sa kanyang karisma, binansagang 'Kilabot ng mga Kolehiyala' ang singer na nagsimula sa industriya bilang miyembro ng Circus Band, kung saan nagsimula rin ang karera ng iba pang artists na sina Basil Valdez, Pat Castillo, Tillie Moreno at Jacqui Magno. 

Mananatili ang alaala ni Hajji dahil sa magagandang awitin na kanyang iniwan. Kabilang dito ang greatest hits na 'Kay Ganda ng ating Musika,' 'Nakapagtataka,' 'Panakip Butas,' 'Tag-araw, Tag-ulan' at 'May Minamahal.' 

Nito lamang Pebrero, naiulat na isinugod sa ospital si Hajji at nakikipaglaban sa stage 4 colon cancer na kumalat na sa ibang bahagi ng kanyang katawan. TV Patrol, Martes, 22 Abril 2025

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.