PANOORIN: Mensahe ng mga anak ni Nora Aunor sa state necrological service | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Mensahe ng mga anak ni Nora Aunor sa state necrological service
ABS-CBN News
Published Apr 22, 2025 04:10 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagpasalamat ang mga naiwang anak ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor, na pinangunahan ni Ian De Leon, sa pagbibigay-pugay ng National Commission for Culture and the Arts sa kanilang ina sa state necrological service na ginanap sa Metropolitan Theater sa Maynila nitong ika-22 ng Abril.
Sa kaniyang eulogy, ibinihagi ni de Leon na naging saksi silang magkakapatid sa walang kapantay na dedikayson at pagmamahal ng kanilang ina sa kaniyang sining. Nasaksihan din nila kung paano ito lumaban "hindi lamang para sa kaniyang karera, ngunit sa mga kuwentong nais niyang bigyang buhay — mga kuwentong Filipino, totoo, at may makabuluhan."
Narito ang kabuuang talumpati ni de Leon:

Sa aming mga kapamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay, mga kapwa artista, kapatid sa industriya, mga bumubuo ng National Commission for Culture and the Arts, at sa lahat ng milyon-milyong taga-suporta ng aming mahal na ina, maraming salamat sa inyong suporta at presensiya.

Tayo po ay nagtipon-tipon ngayong umaga upang ipagdiwang ang isang natatanging buhay, gayundin ang kaniyang legasiya. Ang pamana po ng nag-iisang Superstar ay hindi nanatili sa iisang henerasyon lamang. Ito ay patuloy, nananatiling buhay, sa puso at kamalayan ng sambayanang Pilipino.

Sa ngalan ng lahat na naantig niya bilang kawan ng sining at kultura, inaalay ko ang aming taos-pusong pasasalamat. Sa NCCA, sa pagkakaloob ng titulong Pambansang Alagad ng Sining sa isa sa pinakamatagal at iconic na pigura ng Pilipinas, sa aming Ina, Bb. Nora Aunor.

Bilang kaniyang mga anak, kami po ay naging saksi sa kaniyang walang kapantay na dedikasyon at pagmamahal sa kaniyang sining. Nasaksihan naming kung paano siya lumaban. Hindi lamang para sa kaniyang karera kun’di para sa mga kwentong nais niyang bigyang-buhay. Mga kwentong Pilipino, totoo, at makabuluhan. Ang nag-iisang Nora Aunor ay huwaran na ang tunay na talento ay hindi nasusukat sa yaman, sa apelyido, o sa estado sa buhay, Siya ay patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at buong pusong, paglilingkod sa sining, maabot mo ang pinakamataas na pangarap. At higit pa rito, maaabot mo rin ang puso ng isang bansa.

Sa loob ng maraming dekada, hindi po siya natakot. Hindi siya umiiwas sa mapanghamon na mga papel. Pero sa halip, niyakap niya ito. Ginampanan ng buong tapang at isinabuhay ang mga makatotohanang madalas ay hindi natin gusting harapin. Ang kaniyang mga papel ay naging tulay upang maitaguyod ang pelikulang higit pa sa libangan. Ang mga ito ay naging anyo ng paninindigan, mukha ng katotohanan, salamin ng ating lipunan.

Sa bawat eksena, ginigising niya ang damdamin ng mga manonood; pinapaisip, pinaparamdam, at pinapamulat. Sa sambayanang Pilipino at sa NCCA, maraming salamat po sa pagkilala. Ipinagtibay po nito ang pagdiriwang ng isang alagad ng sining ay hindi natatapos sa liwanag ng kamera. Kun’di, nagpapatuloy sa alaala, sa aral, at sa inspirasyong iniiwan nila pagkatapos isara ang kurtina.

Maraming, maraming salamat po. Mabuhay ang sining! Mabuhay si Nora Aunor!

Read More:
Nora Aunor
National Artist for Film and Broadcast Arts
Pambansang Alagad ng Sining
Ian De Leon
Superstar
ABSNews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT