Charo Santos' eulogy for Nora Aunor: 'Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Charo Santos' eulogy for Nora Aunor: 'Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin'

ABS-CBN News

Clipboard

Charo Santos' eulogy for Nora Aunor: 'Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin'
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Showbiz pillar Charo Santos, a self-confessed "die-hard Noranian," was among those who gave a eulogy for the late screen icon Nora Aunor during the state necrological service held on Tuesday (April 22). Here is her full speech:

Walang himala. Pero mayroong nag-iisang Nora Aunor. Ang kanyang tunay na buhay ay isang pagpapatunay na walang imposible. Kahit para sa isang batang nagtitinda ng tubig at mani sa riles ng tren.

Ang kanyang tunay na buhay ay nasalamin sa buhay nina Elsa, Corazon, Delia, Flor Contemplacion, at marami pang iba. But Nora Aunor was even bigger than all her roles. Higit pa sa mga karakter na kanyang binigyan ng buhay, binigyan niya ng buhay ang pangarap ng milyong-milyong Pilipino.

Kahit saang probinsya ka man manggaling, anuman hirap mo, Nora gave millions of Filipinos the most important gift: hope. Pag-asa. Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin.

Kabilang ako sa mga Pilipino na nakita ang sarili nila kay Nora. Una kong nakita si Nora sa telebisyon sa ‘Tawag ng Tanghalan.’ Noon pa man, nabighani na ako sa kanyang boses at sa kanyang presensya, sa kanyang ganda. Hindi pa man alam ng bansa na siya ay magiging isang phenomenon, to me, she was not just a star. She was our superstar.

Siya noon ay 14 years old, ako ay magdo-dose pa lang. At tulad niya, isa din akong probinsyana. Hindi ko pa tiyak kung ano ang gusto kong marating sa buhay. Ang sigurado lang ako, noon, ako ay isang die-hard Noranian.

Kami ng kapatid kong si Malou ay may makapal na scrapbook ng mga litrato ni Guy. Tinatabi namin ang baon namin para lang may pambili ng comics, magazines, at mga pictures niya na binebenta sa bangketa ng Avenida, Rizal. Wala kaming pinapalampas na issue.

Minsan nagagalit ang mga magulang namin dahil bawal ang komiks sa bahay at imbis daw na magbasa ng libro, ang binubuklat namin ay ang scrapbook at mga komiks. Kaya tinatago namin ang mga ito sa ilalim ng kama. At kapag tulog na silang lahat, kinukuha namin ang flashlight at paulit-ulit na binabasa ang mga article tungkol sa aming superstar.

At syempre, 'pag may pelikula si Nora, pipila kami kahit alas-otso pa lang ng umaga, kahit siksikan, at kahit standing room only. Invested kami sa kanya. Kinikilig kami sa love life niya. Naiiyak sa mga pinagdadaanan niya. Nagagalit kapag may naninira sa kanya.

Minsan sa eskwelahan, mayroon akong kaklase na sinabing hindi daw baGuy mag-artista si Nora dahil siya daw ay maitim. Alam niyo na ang nangyari. Ginera ko ang kaklase ko. Walang poise, poise. Bawal magsabi ng hindi maganda ang aking superstar.

At milyon-milyon kaming katulad ko para kay Nora. Tuwing may mga pagkakataon ng paglabas niya sa mga TV shows at iba pang mga personal appearances, dagsaan lahat kaming mga fans na kilig na kilig at mangiyak-ngiyak kasi nakita namin si Nora, nakangiti at kumakaway.

May mga fans na umaakyat ng bakod, hinihimatay, nag-aalay ng kwintas na sampaguita hanggang wala nang makita sa leeg ni Nora Aunor. We were called the “bakya crowd,” and we were proud of it. Dahil may superstar kami na isa sa amin.
Philippine showbiz has never seen that level of adulation until Nora came and never again after Nora.

Guyunpaman, si Ate Guy ay nanatiling simpleng probinsyana at heart. Walang attachment sa glamour, fame, or wealth. Ang naging mahalaga sa kanya ay ang kanyang dedikasyon sa kanyang craft dahil ’yun ang kanyang sukli sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.

Napapanood natin siya hindi bilang isang artista, kundi isang tunay na tao sa mundo ng kanyang karakter na ginagampanan. Hindi siya takot magpakita ng kahinaan. Hindi siya takot pumangit. Maaari ring hindi takot sa sasabihin ng mga kritiko o detractors. BinibiGuy niya ang lahat.

Si Nora nga daw ang nagpauso ng “mata-mata” acting. Mata pa lang, patay ka na.

Sa Himala, ako ang producer at siya naman si Elsa. Unang beses ko siyang nakatrabaho sa movie na ito at nakita ko kung paanong ang katahimikan niya ay mas malakas pa sa sigaw. Walang camera tricks. Walang mabigat na musical scoring. Walang kaartehan.

Pero nung pumasok na ang eksena, ayan na. Ibang Nora na. Biglang lumalim ang tingin o nag-iba ang paghinga o konting impit ng boses. She didn't act. She transformed. Ang gumaganap kay Nora ay hindi mukha o katawan kundi ang kaluluwa.

There is something about her that cannot be explained by technique alone. She is raw. She is real. She is authentic. She doesn't act. She becomes. She transforms.

Hindi lang siya artista, siya ay alagad ng sining. May lalim, may tapang, may puso. It was part of her process, her magic, her madness. Alam mong may pinaghuhugutan. May lungkot, may apoy, may madness. But within that madness, there was genius. And when she is in her element, when the camera starts rolling, she is unstoppable.

Himala was very memorable for us. Isa ito sa piling-piling projects ng Experimental Cinema of the Philippines noon at ito rin ang kauna-unahang pelikulang ni-restore ng Sagip Pelikula ng ABS-CBN.

Award-winning ang mga roles at pelikula ng ating minamahal. Pero para sa akin, makulay din ang daigdig ni Nora. Maraming dramang pinagdaanan. Maraming kabaliwan, maraming tagumpay at marami ding lungkot at kwento ng paghihiwalay.

Sa gitna ng lahat ng ito, pinakita niyang muli ang tapang, tatag. Higit sa lahat, pagmamahal ng isang mabuting tao. Nasaktan, naghilom. Sinubok, lumaban, bumangong muli. Sa kanyang paglalakbay sa buhay, walang iniwang bakas ng galit.

Sa maikli niyang buhay, maraming pangarap siyang binuhay sa puso ng karaniwang tao. Sa mga walang pambili ng sapatos, sa nag-aaral sa ilalim ng lampara, sa mga nagtitinda sa palengke o naglalako ng tubig. Ang career at pagkatao niya ay naging mabuting halimbawa din sa mga kapwa manggagawa sa pelikula.

Pinakita niya ang kahalagahan ng husay, ng pagmamahal sa fans, ng pakikipagkapwa-tao. Ang simpleng Norang nagwagi sa ‘Tawag ng Tanghalan’ noong 1967 ay ang simpleng Nora hanggang sa huling araw niya.

Mahirap mag-paalam sa isang taong nakaukit sa iyong puso. Makakahanap lamang tayo ng ginhawa sa katotohanang ang kanyang alaala ay walang kamatayan.
Alam ko pong Nora Aunor means so much more to so many. She is an empowered woman. A wife. A mother. A lover. An actress. A complicated person. A genius. A National Artist.

Pero sa aming mga solid Noranians, Nora is our Ate Guy, our superstar. She was a legend while she lived. She will be immortal after she died.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.