'Tao Po' : Iba't ibang hilig at talento ni JM Ibarra; Gusto maging piloto kahit takot sa heights | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po' : Iba't ibang hilig at talento ni JM Ibarra; Gusto maging piloto kahit takot sa heights

'Tao Po' : Iba't ibang hilig at talento ni JM Ibarra; Gusto maging piloto kahit takot sa heights

ABS-CBN News

Clipboard

'Tao Po' : Iba't ibang hilig at talento ni JM Ibarra; Gusto maging piloto kahit takot sa heights
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bata pa lang mahilig na raw ang ex-Pinoy Big Brother Gen 11 housemate na JM Ibarra sa sports.

Kwento nya, "Unang sports na nalaro ko ho, eh football. Tumagal na ho ako sa basketball. And then no’ng secondary level ho do’n na ho ako na-expose sa dance sport."

Habang nag-aaral, na-discover noon ni JM na may talent siya sa broadcasting!

Sabi niya, "'Yung first year ko ho parang umabot po ako ng RSPC, ‘yong regional. Gusto ko nga ho, nag-eexcel ako sa mga gano’ng bagay eh. Ayoko pong matapos ‘yong nasimulan ko nang hindi ako satisfied. So nag-isang taon pa po ako hanggang nakamit ko namang mag-National."

ADVERTISEMENT

Pero ang pangarap na trabaho niya ay maging isang piloto!

"Habang tumatanda do’n ko lang ho nagustuhan yung Aviation Field. Everytime na luluwas po ako dito sa Manila at may makikita ko na Aircraft, natutuwa ho ako hanggang sa may mga ilang tao na rin na nag-encourage sakin na kunin ‘yong air transportation," paliwanag ni JM.

Aminado man ang binata na may takot siya sa heights, ang sabi niya, "Nate-training na rin ‘yon. Madadaanan na rin ‘yon. Part naman yo’n."

Sa pagpasok sa PBB House, nakilala si JM bilang Poginsyanong Pilo-to be ng Quezon. Siya ang huling housemate na na-evict sa bahay ni kuya sa kanilang batch.

Ngayong nakapaso na sa showbiz industry, gusto ni JM na seryosohin ang pag-arte at looking forward siya sa mga proyektong gagawin.

Ulat ni Ganiel Krishnan para sa programang Tao Po. ( March 2, 2025)


Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.