'Tao Po' : Frenchie Dy ipinagpapasalamat na hindi naaapektuhan ang boses kahit pa nagka-Bell's palsy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po' : Frenchie Dy ipinagpapasalamat na hindi naaapektuhan ang boses kahit pa nagka-Bell's palsy

'Tao Po' : Frenchie Dy ipinagpapasalamat na hindi naaapektuhan ang boses kahit pa nagka-Bell's palsy

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 03, 2025 12:33 AM PHT

Clipboard

'Tao Po' : Frenchie Dy ipinagpapasalamat na hindi naaapektuhan ang boses kahit pa nagka-Bell's palsy
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tatlong beses nang tinamaan ng sakit na Bell’s palsy ang singer na si Frenchie Dy.

Kwento ni Frenchie, nangyari ito "noong grade 5, tapos naulit 2006 tapos ngayon 2025 after 19 years, ‘yon naulit."  

Ipinagpapasalamat naman ni Frenchie sa Diyos na sa kabila ng paulit-ulit na pagbalik ng sakit ay hindi naapektuhan ang kanyang boses.

Sabi nya: "'yung mga unang buwan,’yung mga unang weeks hindi talaga ako makakanta kasi kapag kakanta ka nabibingi ka. Hindi ko rin masyadong maririnig kung nasa tono ka ba. Mas naniniwala ako na pansamantala lang itong bell’s palsy at ang mahalaga, nakakakanta parin ako hindi niya binawi yung boses ko, kaya ko parin kumanta."

ADVERTISEMENT

Nang dahil din sakit, nagkaroon ng panibagong calling si Frenchie… ang maging isang vlogger!

Paliwanag ng singer, "Hindi naman talaga ako mahilig magpopo-post ng mga kung ano anong nangyayari, pero sa ngayon ho ang pino-post ko 'yung kung paano mga treatments ko, kung saan ako pupunta, para maalam po nung mga tao yung Bell’s palsy."

"Akala nila stroke ‘yon e malaki po ‘yung kaibahan ng Bell's palsy sa stroke. Pero isa sa pinakamahirap na pagdadaanan ng may sakit na ganito ‘yung mental health kasi syempre kahapon pantay ‘yung mukha mo next day walang dahi dahilan wala na ngiwi ka na," dagdag niya.

Sa bawat hamon o responsibilidad na dumarating kay Frenchie, tapang ng loob at pasensya ang palagi niyang sagot.

"Tinuruan din ako ng parents ko na kailangan lumaban ka, kailangan matapang ka. Tinuro din sakin ng parents ko na hindi lahat ng pagkakataon nananalo ka. Pag natalo ka, kaya mo yan hindi lahat panalo pag natalo kailangan mong damputin yung sarili mo."

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (March 16, 2025)


Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.