'Tao Po': Genesis Redido nakaahon sa kahirapan matapos pasukin ang volleyball at pag-acting | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Genesis Redido nakaahon sa kahirapan matapos pasukin ang volleyball at pag-acting

'Tao Po': Genesis Redido nakaahon sa kahirapan matapos pasukin ang volleyball at pag-acting

ABS-CBN News

Clipboard

'Tao Po': Genesis Redido nakaahon sa kahirapan matapos pasukin ang volleyball at pag-acting
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Mula pagkabata, volleyball na ang kinahumalingang sports ng model at actor na si Genesis Redido.

Ito ang nagsilbing-tulay para sa pagkamit niya ng magandang kalidad ng edukasyon.

Kuwento ni Genesis, "Nagvo-volleyball po yung ate ko [tapos] nasasama ako... may naka-discover sa akin na babae na sports coordinator po sa Perpetual [Help]. Sabi niya, 'gusto mo mag-varsity sa Perpetual Help?' ganyan ganyan, sabi niya."

Matapos siyang kunin bilang volleyball recruit ng UST, dito nagsimulang umunlad ang kaniyang mga oportunidad sa buhay.

ADVERTISEMENT

Gumanap si Redido sa Boys Love Series na In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam) noong kasagsagan ng pandemya sa tulong ng isang manager na nakatuklas at nanghikayat sa kaniya.

Ibinahagi niya, "Tinangkilik naman ng mga tao kasi that time, sobrang lakas din po talaga ng ano niya e, ng genre po na 'yon e nung BL na 'yon."

Sa kabila ng maginhawang pamumuhay, nakararamdam pa rin ng lungkot ang athlete-actor dahil sa distansiya sa kaniyang pamilya.

"Nakakalungkot lang kasi sa hapagkainan noong mahirap kami, kumpleto kaming kumakain kahit alam mo po yung ano dahon po tapos magkakamay... Tapos ayun, ngayon nakakakain ako ng masarap pero nakakalungkot kasi mag-isa lang ako," paliwanag niya.

Kahit na maraming pinagdaanang pagsubok at maagang namulat sa reyalidad si Genesis, malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nagpakita ng tiwala at suporta sa kaniyang kakayahan.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (February 23, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.