JM Ibarra opens up about handling bashers: ‘Ayaw ko nung nadadamay ‘yung pamilya ko’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JM Ibarra opens up about handling bashers: ‘Ayaw ko nung nadadamay ‘yung pamilya ko’

Push Team

Clipboard

JM Ibarra opened up about having bashers online, recognizing that it comes with the attention he's been receiving after his Pinoy Big Brother Gen 11 stint.

During an interview with the online talk show PUSH Bets by PUSH ABS-CBN, JM shared that while he doesn’t mind being attacked, it's a whole different story when his family is dragged into it.

"Kapag basher, hahanapan at hahanapan ka talaga ng butas ng mga yan. To the point na aabot sila sa pamilya mo, sa kapatid mo, sa mama mo, na kahit labas naman, o labas naman sila sa ginagawa kong trabaho. Yun yung ayaw ko. Ayaw ko nung nadadamay yung pamilya ko," JM expressed.


JM added that despite being attacked, especially on social media, his family is gradually getting used to it.

ADVERTISEMENT

"Unti-unti naman nasasanay na rin ho sila. Kasi hindi lang naman puro, ah, positive yung dumadating kapag nandito ka sa industry yang 'to eh. Siyempre, nandyan din yung mga negatibong bagay, like bashing, yung mga panguhusgan ng mga ibang tao,” he shared.

He further mentioned that he advised them not to pay attention to the bashers. "Minsan sinasabi ko na lang din sila na, kalma, huwag na kasi, relax lang. Huwag kayong masyadong makialam kasi ayaw ko nung nadadamay sila."


The reality star admitted that sometimes it gets to him as well, though he tries to stay unfazed.

"Naapektuhan ako, siyempre. Pero, ano lang, hindi naman ganun ka-apektado. Wala rin naman ako pake sa mga bashing. Siguro, kapansin-pansin lang. Ganun, kapag nadadamay yung pamilya ko na walang wala na ba? Pati, pamilya ko eh, nadadamay nyo na,” he shared.

He went on: "Saka, relax lang naman ako. Walang, hindi ako nagpa-apekto kahit anong bashing yung nakikita ko o pinaparating sa akin. So, naka-focus lang ako sa ginagawa ko at trabaho ako."

ADVERTISEMENT


Despite the bashing and hate he receives, JM is also gaining significant popularity. However, he makes a conscious effort not to let it go to his head, striving to stay humble and grounded.

"Hindi ko rin hinahayaang mag-sink in sa sarili ko na, eto, na kumbaga, na kilala ko, na artista ko. As in, nakatatak lang sa utak ko na, eto, tao lang ako, nagtatrabaho dito sa network na ito, sa ABS-CBN. At, hindi ko, hindi ko hinahayaang pumasok sa utak ko na, na sikat ako, na kilala ako, na may fans ako, na ganito, ganyan. Basta ako lang, basta lang ako masaya nagtatrabaho, ganyan. Yun lang,” JM clarified.



But like any dreamer, JM also manifested success in his craft when host and PUSH Bets host Gary Ann asked him where he sees himself in five years.

“Siguro, five years from now, ano na ako? Ima-manifest ko na rin na isa na akong multi-awarded actor na talaga. Five years. Maybe one year… ay joke lang,” JM candidly shared.



Aside from his showbiz pursuits, the future leading man also plans to go back and finish his studies.

ADVERTISEMENT

He shared: "Gusto kong tapusin. Gusto kong pa rin maging piloto. Kumbaga, this time lang, yung, sa ngayon, sinusulit ko lang, in-explore ko yung ganitong industriya. At ayan nga, nasabi ko rin naman na bata pa ako, wala namang masasayang kung, ah, kung in-explore ko this time itong showbiz industry. Basta, nakatatak naman sa utak at puso ko na, at the end of the day, maging piloto ako."

JM, of course, didn’t forget to thank his supporters and assured them that he will not fail them.

"Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagsuporta niyo sa'kin. At, bilang pagbawi ko sa inyo, kasi hindi ko alam kung paano ako makabawi sa inyo, bilang pagbawi ko sa inyo, siyempre, yung mga inaasam niyo para sa akin, masasabi ko na lang na, hindi ko kayo bibiguin, pangako yan." he promised.

You can watch the full episode here:

Aside from the PUSH YouTube Channel, it can also be streamed on abs-cbn.com/entertainment/showbiz.

ADVERTISEMENT

—By Jemuel Tandoc

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.