Eraserheads concert tour sa Middle East, dinayo ng Pinoy fans | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eraserheads concert tour sa Middle East, dinayo ng Pinoy fans
Rose Eclarinal,
EMEA News Bureau Chief
Published Jan 04, 2025 12:18 AM PHT
|
Updated Jan 04, 2025 12:24 AM PHT

Tagumpay ang naging concert tour ng patok na Filipino rock band Eraserheads sa Middle East noong Disyembre.

Sa bawat awitin nila, hiyawan ang fans sa Dubai Exhibition Center sa Expo City – mula sa opening act na "Alapaap" hanggang sa pinaka-huling kanta ng banda na binubuo ni Buddy Zabala, Raimund Marasigan, Marcus Adoro at Ely Buendia.

Inabangan din ang classic hits at timeless pieces ng Eraserheads tulad ng "Toyang," "Ligaya," "Tindahan," "Overdrive," "Pare Ko," "Magasin," at "Huling El Bimbo."

Bahagi ng fans, sulit ang gastos at pagod sa mahigit dalawang oras na walang patid na musika sa concert.
Bahagi ng fans, sulit ang gastos at pagod sa mahigit dalawang oras na walang patid na musika sa concert.
ADVERTISEMENT
"I've been a fan of the Eheads since the 1990s,” ani Mike Rodriguez, “so it's a big feeling na finally, 'yun, first concert ko na kasama sila ay dito pa sa Dubai."

Lubos naman ang pasasalamat ng banda sa mainit na pagtanggap sa kanila sa Dubai.

"We gave our all and I'm glad that the crowd appreciated it. We were not disappointed with the Dubai crowd,” kwento ng lead vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia.

Ikinatuwa rin ni Raimund Marasigan at Buddy Zabala ang malaking turnout sa kanilang concert sa Dubai at sinabing nais nilang bumalik dito.

Mula sa Dubai, tumulak ang legendary Filipino band sa Doha para sa kanilang Huling El Bimbo World Tour 2024.
Mula sa Dubai, tumulak ang legendary Filipino band sa Doha para sa kanilang Huling El Bimbo World Tour 2024.
ADVERTISEMENT
Hindi binigo ng iconic OPM rock band na Eraserheads ang kanilang libo-libong fans sa Middle East sa kanilang 'Ang Huling El Bimbo World Tour.'

Hindi rin magkawayaw ang fans nang tinugtog na nila ang kanilang classics. Ang iba, dumayo pa na dala ang kanilang Eraserheads collectibles.

“Nung kinanta nila yung 'Huling El Bimbo,' dun talaga ako nagkaroon ng goosebumps,” kuwento ni RJ Cody na siyang station manager ng Kabayan Radio.

Napabilib din ng Eraserheads sa pamamagitan ng kanilang musika maging ang mga foreigner na nanood sa kanilang concert.

“It was an amazing performance by the team,” ani Salim Kainikkara, managing director ng Kabayan Radio. “Even as an Indian, I did not understand the majority of the meaning or lyrics at all, but it was powerful. I really enjoyed [it].”

Mula Middle East ay tutulak naman pa-Australia at New Zealand ang Eraserheads para sa kanilang susunod na live concert. — Kasama si Randy Lamsen at Ardee de Leon