Mga Pinoy, kabilang sa cast ng Swiss TV series | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy, kabilang sa cast ng Swiss TV series
ABS-CBN News,
Sandra Sotelo Aboy | TFC News
Published Jan 14, 2025 01:32 AM PHT
|
Updated Jan 14, 2025 01:39 AM PHT

Isang ‘di-pangkaraniwang pagkakataon ang naranasan ng ilang Pilipinong cargo ship crew nang sila ay maging bahagi ng Swiss TV mini-series na “En Haute mer” (In Salt Water).

Ang “En haute mer” ay isang apat na episode na mini-series na halong psychological thriller at detective drama. Hango ito sa nobelang “En eau salée” ni Fabien Feissli.

Ang serye ay unang ipinalabas sa Geneva International Film Festival noong Oktubre 2024 at pagkatapos ay pinalabas naman sa Switzerland sa RTS Channel at sa Play RTS app. Nakatakda rin itong ipalabas sa Germany sa Enero 2025 sa SRF2 Channel.

Bida sa serye ang kwento ni Florian (Maël Cordier), isang lalaki na pumasok sa isang cargo ship upang hanapin ang kanyang nawawalang kasintahan na si Julia (Isaline Prévost Radeff). Ngunit, siya’y napasama sa isang komplikadong imbestigasyon nang maakusahan ng isang krimen.

ADVERTISEMENT
Sa Swiss production na ito, tampok ang mahalagang kontribusyon ng mga Pilipino — mula sa seafarers na nagtrabaho bilang mga extra hanggang sa ilang Pilipino mula Madrid at Barcelona na bahagi ng cast.

Tampok ang mga Pilipinong seafarer sa Swiss TV series na “En Haute mer.”

Sa shooting na ginawa sa Bilbao, Spain, naging mahalagang bahagi ng production ang Pinoy seafarers na naka-duty sa bulk cargo ship. Ang kanilang mga tunay na gawain bilang marino ang nagbigay ng realismong kinakailangan sa eksena.

Ayon kay Jhenil Dave Montemayor, isang crew member mula Cebu, naging isang magandang karanasan para sa kanila ang maging bahagi ng serye.

“First time namin makakita ng director, ‘yung mga lights nila, mga ginagamit nila na mga camera,” aniya. “Best experience namin talaga na maka-try ng ganito kasi once in a lifetime lang ito.”

Bukod sa seafarers, kabilang din sa cast si Gerry Ortega, isang kare-retiro lang na engineer mula Barcelona. Bagamat maliit ang papel niya, naging mahalaga ito sa flow ng istorya.

“Nakuha ako not as the main star but as part of the cast,” bahagi ni Ortega. “Maliit ‘yung role ko but very important sa story. Very professional yung crew with all the sounds, lights, camera, props, and a very experienced director.”

Tatlong Pilipina naman mula Madrid ang nagka-minor roles na may mahalagang papel pa rin sa kwento ng serye.

Banyaga man ang produksyon, pinatunayan ng mga Pilipino na hindi lamang sila mahusay sa kanilang propesyon kung ‘di ay kaya rin nilang maging bahagi ng isang malikhaing proyekto sa pandaigdigang eksena.

Kabilang din sa produksyon ng Swiss TV series ang tatlong Pilipina mula Madrid.

Mula sa seafarers hanggang sa mga Pinoy cast member, muling naipakita ang talento at dedikasyon ng mga Pilipino sa iba't ibang larangan.