Karakter ni Dan Alvaro sa 'Batang Quiapo,' namaalam na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karakter ni Dan Alvaro sa 'Batang Quiapo,' namaalam na

ABS-CBN News
Published Sep 25, 2024 12:31 PM PHT

MAYNILA -- Nagpaalam na sa "FPJ's Batang Quiapo" si Dante, ang karakter na ginampanan ng aktor na si Dan Alvaro, nitong Martes.

Sa episode 419 ng sikat na serye, matinding aksiyon ang naganap nang muling magharap ang grupo ng mga Montenegro at ni Don Facundo sa pangunguna naman ng kanang kamay nito na si Marcelo (Nonie Buencamino).

Sa bakbakan, namatay si Dante matapos itong mabaril ni Ramon Montenegro (Christopher de Leon).

Nagawa namang mabaril ni Marcelo ang ama ni Ramon na si Don Julio Montenegro (Tommy Abuel).
Nagawa namang mabaril ni Marcelo ang ama ni Ramon na si Don Julio Montenegro (Tommy Abuel).
ADVERTISEMENT
Sa social media, nagpasalamat at nagpaalam ang Dreamscape Entertainment sa karakter ni Alvaro.

Matatandaang isa sa sikat na action stars si Alvaro noong 1980s na nakilala sa kanyang pagganap sa pelikulang "Bagong Hari" at "Condemned" kung saan nakasama niya ang batikang aktres na si Nora Aunor.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

MGA KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT