Vice Ganda muling nagbabala sa pagkalat ng fake news | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda muling nagbabala sa pagkalat ng fake news

Vice Ganda muling nagbabala sa pagkalat ng fake news

ABS-CBN News

Clipboard

Muling nagpaalala ang Kapamilya host na si Vice Ganda sa patuloy na pagkalat ng fake news. 

Kasunod ito ng naging pagsalang sa "EXpecially For You" kung saan sumalang ang ex-couple na sina CJ at Zach kung saan naibahagi nila na isa sa naging rason ng kanilang hiwalayan ay ang pag-relate ng kanilang personal na buhay sa mga inspirational qoutes na kanilang nababasa sa social media.

Pabirong sabi ni ng searcher na si CJ sa Kapamilya host, ilan sa mga nabasa niya ay ang mga inspirational quotes na umano'y sinabi ni Vice Ganda

Kaya naman naging daan ito para ipaliwanag ng host ang kaniyang saloobin dito. 

ADVERTISEMENT

"Eto ang pagkakamali ng marami. Katulad ng mga nababasa niyo (na) quote tungkol sa akin, by the way hindi lahat ng mga nababasa ninyong quote sa Facebook ay totoong nanggaling sa akin," sambit ng Kapamilya host.

Aniya na siya mismo ay nagugulat sa tuwing nakakakita siya ng mga ganito sa tuwing nakatutok siya sa social media.

"Ang dami kong nababasa na Vice Ganda quote --- kailan ko 'to sinabi, kailan ko ito na tweet. Tatawag pa ako sa social media team ko, 'na tweet ko ba to? check niyo nga' bakit ganito? tas sasabihin nila 'fake yan teh' tapos makikita mo ang daming comments," kuwento pa ni Vice. 

Mariin rin niyang paliwanag na maraming isyu ang nagdaan na minabuti aniya na hindi na magbigay ng saloobin na kaniyang ikinagulat dahil patuloy pa rin niya itong nakikita sa social media. 

"Tapos 'yung comment ko sa lahat ng issues, (napapaisip ako) nag-comment ba ako dyan, nag comment ba ako kay Dennis Trillo? 'yung ganun iyung ang dami. Hindi lahat ng nababasa niyong qoute na nakalagay ay Vice Ganda totoo po 'yun, kaya bahala po kayo kung gusto niyong magpaniwala," paliwang ng host. 

At gaya ng pagbibigay liwanag ng kaniyang saloobin, pinaliwangan rin ng host ang ex-couple sa tila pagkukumpara ng kanilang personal na buhay sa mga nakikita nila sa social media. 

"Iyung mga nababasa niyo ay ayun ay base sa kanilang istorya at karanasan, at wag natin na 'yung istorya nila ay dapat iyun ang istorya ninyo." 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.