'Tao Po': Gladys Reyes at Christopher Roxas inaming dumaan noon sa '7-year itch' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Gladys Reyes at Christopher Roxas inaming dumaan noon sa '7-year itch'

'Tao Po': Gladys Reyes at Christopher Roxas inaming dumaan noon sa '7-year itch'

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Umabot sa 11 taon ang pagiging mag-boyfriend and girlfriend nina Christopher Roxas at Gladys Reyes.

Gaya ng ibang mag-nobyo’t nobya, nanganib din ang kanilang pagsasama. 

Kwento ni Gladys: "I think dumaan kami sa ganun 'seven-year itch' na tinatawag ‘di ba sa relationship na over-familiarity parang sanay ba kayo na andiyan naman siya, andyan ka lang naman ‘di ba... eh ako kasi homebody talaga ako, magkabaliktad talaga 'yung personality namin."

Nitong taon, ipinagdiwang nila ang kanilang 20th anniversary. Isang achievement lalo na sa showbiz na kadalasan hindi nagtatagal ang mga relasyon.

ADVERTISEMENT

Ang sikreto para kay Christopher? "Trust at saka 'yung may kumpyansa ka sa sarili. Hindi naman ako perpekto minsan din akong dumaan sa gilid ng impyerno. Pero alam ko 'yung sarili ko eh. Ang importante sa akin kung ano 'yung meron ako ngayon hindi 'yung bukas, 'yung kahapon, 'yung ngayon."

"Ang constant lang naman talaga na ano namin dyan is hindi pwedeng maging option or never na magiging option 'yung hiwalayan," dagdag ni Gladys.

Kaya payo nila sa mga mag-asawa na maaring sinusubok din ang relasyon sa ngayon: "Sa akin buong pagsasama namin never ako namuhay para sa mata ng iba. Kung ano 'yung gusto kong iparamdam sa kanya 'yun ‘yon," ani Christopher.

"Yung beauty ng life, 'yung unpredictability ‘di ba of life. Pero at the end of it, halimbawa nandun ka na sa edge, ‘di ba na gusto mo nang tapusin, siguro bago mo talaga tapusin parang tanungin mo rin 'yung sarili mo handa na ba ako na after halimbawa 12 years, 10 years ganyan, na makikisama na naman ako sa bagong tao," sabi ni Gladys.

- Ulat ni Johnson Manabat para sa programang Tao Po. (June 9, 2024)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.