Pista sa Nayon naghatid saya sa mga Pinoy sa Guam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pista sa Nayon naghatid saya sa mga Pinoy sa Guam

Pista sa Nayon naghatid saya sa mga Pinoy sa Guam

Louella Losinio,

TFC News,

Guam

 | 

Updated Jul 24, 2024 05:40 PM PHT

Clipboard

Pista sa Nayon naghatid saya sa mga Pinoy sa Guam
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

GUAM - Ginanap kamakailan sa Guam ang Pista sa Nayon, ang pinakamalaking pagdiriwang ng kultura at tradisyong Pinoy sa isla.

 

Tradisyon, kultura, kasiyahan at komunidad. Sa mga temang ito umikot ang mensahe ng nasabing pagdiriwang ngayong taon sa Guam.

 

Mas pinasigla ang taunang selebrasyon sa pakikisaya ng Kapamilya Stars gaya nina Sheryn Regis at Iñigo Pascual. 

 

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng nagpunta at excited na kaming makita kayong lahat at magperform para sa inyong lahat. Salamat sa pagwelcome sa amin dito sa Guam. Sana makabalik po kami,” sabi ni Iñigo.

 

“Daghang salamat sa ating mga supporters, sa ating mga viewers, sa mga kapamilya natin, sa suporta ninyo. Kung hindi dahil sa inyo…wala kami dito ngayon,” ani Sheryn.

 

Bukod sa  pagtatanghal nina Iñigo at Sheryn, naaliw ang lahat sa iba pang aktibidad sa Ypao Park. May tagisan ng galing sa pag-awit, may Pinoy trivia, martial arts, at ilang palarong Pinoy.

 

Tampok naman sa iba-ibang booths ang mga produkto at pagkaing Pinoy.

 

Dinagsa ng mga Pinoy mula sa iba-ibang bahagi ng isla ang pagdiriwang na itinaon sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Filipino Community of Guam o FCG.

 

“Tonight’s celebration is actually the biggest to date. We are really excited about it because we have all of our member associations pitching in with the Bayanihan spirit and also working with the government agencies,” pahayag ng dating president ng Filipino Community of Guam na si Norman Analista.

 

“It brings everybody from the Philippines, even our H2 workers, they get to enjoy the camaraderie with everybody here in Guam. And we also get to extend it to the other cultures as well,” sabi ng isang miyembro ng Aklan Association of Guam na si Catherine Melad-Solidum.

 

Ibinahagi naman ng ilang Pinoy ang kahalagahan ng The Filipino Channel o TFC sa pagpapatatag ng kanilang koneksyon sa Pilipinas.

 

“’Yan ang pinakalibangan namin dito kasi sa pag-uwi ng bahay, manood ng drama saka TV Patrol, number one,” ani Abel Gozo.

 

“Because we are far from the Philippines, watching TFC really gives us a lot of information about our co-Filipinos abroad as well as what is happening in the Philippines,” kwento ni Maribel Perez.

 

Ang Pista sa Nayon ay inorganisa ng FCG sa suporta ng Konsulado ng Pilipinas sa Guam, Guam Visitors’ Bureau at iba pang mga lokal na ahensya sa isla habang official media partner ang TFC.

 

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.