Dahil sa picture, Pau ibinahagi ang ugat ng hiwalayan nila ni Ivan sa 'EXpecially For You' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil sa picture, Pau ibinahagi ang ugat ng hiwalayan nila ni Ivan sa 'EXpecially For You'

ABS-CBN News
Published Jun 20, 2024 08:34 PM PHT

MAYNILA -- Sumalang sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Huwebes ng tanghali ang mag-ex na sina Ivan at Pau na nagkakilala bilang magka-klase sa isang online class.

Sa kanilang pagbahahagi ng kanilang love story, binalikan ni Pau ang masaya at mapait na bahagi ng kanilang isang taong relasyon na nagtapos ng dahil lang sa isang picture.

Kuwento nina Pau at Ivan, mismong Valentine's Day ng magsimula ang pait sa kanilang relasyon.

"Valentine's po kasi inaya ko po siya ng date, kaso sabi niya po sa akin bawal daw po kasi baka hindi daw po siya payagan ng parents niya. So ako naman po siyempre nirerespeto ko po 'yung desisyon na bawal po siya, e hindi ko na po siya niyaya and noong time din po na 'yun nagka-ayaan po ang tropa na mag-bonding, ayun po kaya sila po 'yung kasama ko po noon," pagbabahagi ni Ivan.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Pau, napag-usapan nila ng ex na si Ivan ang naging sitwasyon nila noong araw mismo na dapat mag-date sila ng Valentine's Day.

"Niyaya po kasi niya ako na mag-date po kami tapos sabi ko sa kaniya na hindi po ako papayagan ng parents ko, actually legit naman po talaga 'yun kasi strict po ang parents ko," paliwanag ni Pau.

Aniya, sa kaniyang pagtangi na sumama sa date nila ni Ivan, nakabuo na aniya ito ng lakad kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Parang may usapan na po sila ng mga tropa niya e na after klase namin, mag-iinuman sila so parang ako, gusto ko na pilitin niya ako para hindi na siya tumuloy doon sa inuman parang gusto ko lang ma-ano sa kaniya na hindi na ako sasama doon tayo na lang," paliwanag pa niya.

At dahil sa hindi natuloy nilang date, inamin ni Pau na naghintay siya ng update mula sa dating boyfriend.
At dahil sa hindi natuloy nilang date, inamin ni Pau na naghintay siya ng update mula sa dating boyfriend.
ADVERTISEMENT
"Noong araw po na 'yun nag-aantay po ako ng update niya kasi may girl best friend po kasi siya na niligawan tapos present rin sa classroom namin, ta's malapit po sila," ani Pau.

Dagdag pa ni Pau: "Sila po kasi close and niligawan niya po before e, tapos sila rin po 'yung magkasama sa inuman noong February 14."

Sa pagpapatuloy ng pagkukuwento ni Pau sa "It's Showtime" hosts, inamin ng dalaga na makalipas ang ilang buwan, nakatanggap siya ng isang picture ni Ivan kung saan kasama nito sa isang higaan ang dati nitong niligawan.

"May piciture po silang dalawa," pag-amin ni Pau sa Kapamilya hosts.

At ng tanungin kung anong klaseng picture ang kaniyang nakuha inamin ni Pau na "Magkatabi po sila sa higaan."
At ng tanungin kung anong klaseng picture ang kaniyang nakuha inamin ni Pau na "Magkatabi po sila sa higaan."
ADVERTISEMENT
Dahil sa nakuhang picture ni Pau, nagsimula ang panlalamig ng relasyon nilang dalawa na nauwi sa hiwalayan.

At sa pagtatapos ng segment, nagkapatawaran ang mag-ex kung saan nakilala rin ni Pau ang kaniyang date for the day na si Hans.