Battle of the Bands sa Taiwan hataw sa saya at musika | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Battle of the Bands sa Taiwan hataw sa saya at musika

Marie Yang,
TFC News,
Taiwan
Published Jun 10, 2024 09:05 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

TAIWAN - Nagpasiklaban ang walong bandang Pinoy sa Battle of the Bands sa Chiayi, Taiwan. Nakisaya rin ang ilang kinatawan ng Department of Migrant Workers at Manila Economic and Cultural Office sa Kaohsiung.

Hataw ang kasiyahan at rakrakan sa Battle of the Bands Season 2 na ginanap sa Chiayi City, Taiwan.

Inorganisa ito ng Kapatiran ng mga Pilipino sa Taiwan o KAPITAN Chiayi katuwang ang The Filipino Channel o TFC bilang official media partner.

Walong banda ang nagpasiklaban na talaga namang nagpasaya sa mga dumalo. Lumahok si DMW Kaoshiung Director David Des Dicang na pinasasalamatan ang KAPITAN Chiayi sa paghatid ng makabuluhang paligsahan.

“I think we have very good performing artists. let’s all enjoy each other’s company. on behalf of the manila economic and cultural office, the department of migrant workers and the overseas workers welfare administration, our migrant workers office in kaoshiung, salamat po Father Greg at sa KAPITAN Chiayi for bringing this wonderful occasion to us, salamat po,” sabi ni Dir. Dicang.

Panauhing pandangal din sa Battle of the Bands ang MECO Kaoshiung Director na naki-jamming din.

3rd placer ang bandang K9 na nag-uwi ng cash prize na NT5k o tinatayang nine thousand pesos. 2nd placer naman ang Even Horizon na nag-uwi ng NT10k o tinatayang eighteen thousand pesos. At Grand Champion ang bandang Longkeys 2 na panalo ng NT20k o tinatayang thirty six thousand pesos.

“Pinasalamatan ko po lahat ng mga participants natin, lahat ng mga judges at lahat po ng mga sponsors especially po ang iWant TFC. Thank you so much po for your support,” pahayag ni Kapitan Chiayi President Ana Garcia.

Ito na ang huling Battle of the Bands ng organisasyon pero posibleng may iba pang proyekto para sa mga Pinoy sa Chiayi, Taiwan.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.