Ex-fiancée ni Keith Martin, sumalang sa 'EXpecially For You' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ex-fiancée ni Keith Martin, sumalang sa 'EXpecially For You'

Ex-fiancée ni Keith Martin, sumalang sa 'EXpecially For You'

ABS-CBN News

Clipboard

Bumisita sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Sabado ng tanghali ang ex-fiancée ng American singer-songwriter na si Keith Martin na si Diana. 

Sa naging pagbisita ni Diana sa "It's Showtime" kasama nito ang kaniyang ina na si Marilyn at ang kaniyang 16 anyos na anak si Dion na kaniyang supling sa namayapang singer. 

Diana at inang si Marilyn kasama ang anak na si Dion. Screengrab It's Showtime 

Dito, ibinahagi ni Diana na hindi lang isa kundi tatlong beses siyang na-engaged sa mga lalaking inakala niyang makaksama na niya sa habang buhay at isa na dito ang namayapang singer.

"Yung una, magugulat kayo, sino 'yung unang nag-propose sayo at kanino ka unang na engaged?" saad ni Vice kay Diana.  

ADVERTISEMENT

"The first man in my life was the late Keith Martin the singer," pagbubunyag ni Diana.  

"Kapag naririnig mo yan, anong nararamdaman mo?" ani Vice "Naiiyak ako," tugon ni Diana. 

Kuwento ni Diana, tumagal ng walong taon ang kanilang naging relasyon ng namayapang American singer-songwriter

"Naka eight years (kami) it was a long relationship," saad ni Diana. "Nag-break kami actually muna siguro couple of years tapos nagbalikan kami." 

Sa walong-taon na naging relasyon ni Diana sa namayapang singer, ibinahagi nito ang isa sa pinakamagandang regalo na iniwan nito sa kaniya.

ADVERTISEMENT

"Greatest gift ni Keith? I would say, that boy over there. Our son," proud na pagbabahagi ni Diana.

Dion/ Diana's son to Keith Martin Screengrab from It's Showtime

Kuwento pa ni Diana, isa sa naging sentro ng kanilang relasyon noon ng namayapang singer-songwriter ay ang pagpapalaki sa kanilang nag-iisang anak kahit na magkalayo sila nito.

"Yes greatest gift kasi, he's a product of love and kahit na nagkahiwalay kami, we really did our best to raise him together kahit malayo siya, siyempre mayroon rin pagkukulang pero lumaki siya na both my mom and dad are there and they loved me," ani Diana.

Sa bahagi rin ng kuwentuhan, naibahagi ni Diana ang masayang kuwento kung paano ang naging paraan ng ex na si Keith sa naging pagpo-propose nito sa kanya.

"Parang sandali lang eh, kasi nakakatawa 'yung istorya niya kasi when he proposed, hindi kasya 'yung singsing," masayang tugon nito. 

ADVERTISEMENT

"Hindi ko naisuot. Sabi niya, he will have it resize tapos hindi na niya naibalik hanggang sa nagkalimutan na parang ganun. I was very young non, I just graduated from college e, so siyempre may certain expectations ka sa buhay tapos nagka-anak na kayo, mas naging focus na 'yung kung paano niyo bubuhayin, papalakihin 'yung anak niyo and then si Keith, ano rin parang naging busy kasi he's an artist, so kung kung saan may opportunity mag-work, so kung abroad, abroad. So isa ako doon sa nag-encourage sa kaniya na hanggang sa unti-unti na alam niyo 'yun nalipasan na 'yung plans ng marriage nagkaroon na rin ng konting conflict hanggang sa hindi na natuloy," kuwento pa niya. 

Ayon kay Diana, malaki rin ang pasasalamat niya sa kaniyang mga magulang na nagbigay ng malaking pang-unawa sa kaniyang naging sitwasyon noon at nagbigay rin ng buong pagmamahal sa kaniyang nag-iisang anak.

'And I think, 'yung ganung mga kaso 'di ba, halimbawa may baby na kayo or you got pregnant, you're parents would normally pressure you na dapat magpakasal kayo, hindi naman nila ako na-pressure and I think ang priority rin nila that time was ako, na dapat ayusin mo muna ang career mo bata ka pa e, kaka graduate mo lang you're still building your life, so hindi kailangan, that's not the priority so hindi rin siya." 

Iibinahagi din ni Diana na naging maganda rin ang paghihiwalay nila ng namayapang singer bago ito pumanaw noong 2022.

"Hindi na. Matagal na kaming hiwalay and yeah I was there, in fact his remains are with us sa bahay kasi wala naman talagang family si Keith, kami lang 'yung family niya dito." 

ADVERTISEMENT

Nobyembre ng 2022, ng natagpuang wala ng buhay ang 56-taon na American singer-songwriter na si Keith Martin sa kaniyang tahanan dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.