Xian Lim kinumpirma ang relasyon kay Iris Lee | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Xian Lim kinumpirma ang relasyon kay Iris Lee

Ched Rick Gatchalian,
ABS-CBN News
Published May 02, 2024 10:07 PM PHT
|
Updated May 03, 2024 04:45 PM PHT

Pinatotohanan ni actor-director Xian Lim na may relasyon sila ni VIVA Films producer Iris Lee sa ekslusibong panayam niya sa Esquire nitong Huwebes.

“Yes, I’m seeing Iris,” sabi niya. “Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other and we are very happy."

Ayon kay Lim, handa na siyang magsalita upang klaruhin ang mga haka-haka ukol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Kapamilya actress-host Kim Chiu.

December 23, 2023 nang kumpirmahin ng dalawa na tapos na ang 12 na taon nilang relasyon. Nagbahagi rin sila ng mga pasasalamat at sweet messages sa isa't isa gamit ang kanilang social media accounts.

Paglilinaw ni Lim, hindi totoo ang mga paratang na "third party" si Lee na kasalukuyang producer at creative partrner ng aktor.

Aniya, nagsimula lang silang mag-date matapos ang kaniyang relasyon kay Chiu. Mariin din niyang tinanggi ang mga bali-balitang sikreto raw silang ikinasal at nagli-live in na.

"There's no third party. That's it. That plain and simple," dagdag ni Lim. "Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ko. They say, ‘Congratulations on the marriage in New York!’ And I'm like, no, I am not married."

Ang kasama lang daw sa bahay ni Lim ay ang kaniyang pamilya kaya tinawag niyang "absurd" ang mga akusasyon.

"It just pains me na parang may mga taong nadamay. That just really saddens me and that's very unfortunate," dagdag ng aktor. “Ang busy-busy ni Iris, ang busy-busy ko. She has a lot on her plate, and I have a lot on my plate... She doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it.”

Usap-usapan na ng mga netizens ang posibleng relasyon ng dalawa matapos sila makitang magkasama sa ilang pagkakataon.

Nitong nakaraang Pebrero, naging mainit na usapin ang tila sweet nilang pose sa in-upload na litrato ng Watanabe Riding Development. Sa larawang iyon, nakaakbay si Lim kay Lee, habang ang babaeng producer naman ay nakahawak sa kamay ng binatang aktor.