'Tao Po' : From seaman to actor, kilalanin si 'Lods' Pepe Herrera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po' : From seaman to actor, kilalanin si 'Lods' Pepe Herrera

'Tao Po' : From seaman to actor, kilalanin si 'Lods' Pepe Herrera

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bago sumabak sa pagiging artista, naging seaman noon ang aktor na si Pepe Herrera. Sa barko siya tinamaan ng tinatawag na acting o performing bug.

"Doon ko po na-discover na gusto ko mag-teatro, gusto ko maging performer, kasi mga naging kaibigan ko doon performing artist. Ang tawag po sa kanila 'Showteam.' Sila po 'yung nagpe-perform ng musical – everyday. Waiter ako sa umaga tapos singer ako sa gabi. Sa kakapanood ko sa kanila mas nare-realize ko unti-unti na gusto kong gawin. So, pagbalik ko ng Pilipinas nag-audition po ako sa mga plays hanggang sa natanggap."

Isa ang "Rak of Aegis" sa tumanggap kay Pepe. Isa itong original Pinoy musical na base sa musika ng rock band na Aegis. Dahil sa pagganap sa musical na ito, na-discover siya ng isang haligi sa mundo ng entertainment.

"Kasi po may isang eksena na pumipito 'yung character ko. Pumipito po ako ng kahit anong song, kung walang celebrity or singer sa audience, I’ll just whistle a song of 'Rock of Aegis' pero nagkataon nun si Ma’am Charo (Santos), e 'di I whistled the theme song of 'Maalaala Mo Kaya.'"

ADVERTISEMENT

Mula noon, marami nang pintuan sa showbiz ang nagbukas kay Pepe. Malalaking pangalan din sa industriya ang mga nakatrabaho niya tulad nina Coco Martin at Vice Ganda. Nakasama niya na rin ang mag-asawa Dingdong Dantes at Marian Rivera.

"‘Pag first-time mong makita from TV na, ‘eto pala siya tao in-person ‘yun po, tapos as you get to know them, it’s a humbling experience kasi makikita mo na kapwa ko rin pala siya, meron din siyang struggles, tao rin, alam mo ‘yun? It’s always a learning experience lahat... kasi matagal na po sila sa industriya. So sila talaga teachers ko."

Sa paglipad ng karera ni Pepe sa teatro, telebisyon at pelikula, nakaramdam naman siya ng burnout sa trabaho. "2017... 'yun po 'yung kasagsagan ng career ko because of 'Probinsyano.' Dun po talaga naranasan ko na 'di ako makalakad ng maayos sa mga malls. Eh malaking bagay to sa 'kin to spend time with my family. You just want to embrace your introvert self pero hindi mo magawa kasi every step may magpapa-picture."

Dahil sa pangyayari, pinili ni Pepe na umalis ng bansa para makapag-isip. Sa tulong ng kanyang ina, dumulog si pepe sa isang espesyalista para malabanan ang depresyon. Malaki rin ang ambag ng kanyang mga anak para malagpasan ang sitwasyon, at unti-unting makabalik sa limelight.

Ulat ni Doris Bigornia para sa programang Tao Po. (March 31, 2024)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.