Dennis Padilla, nakatanggap ng pagbati mula kay Julia Barretto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dennis Padilla, nakatanggap ng pagbati mula kay Julia Barretto

Dennis Padilla, nakatanggap ng pagbati mula kay Julia Barretto

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 25, 2024 01:20 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng aktor na si Dennis Padilla sa natangap na birthday greetings mula sa anak na si Julia Barretto. 

Sa naging panayam ng entertainment press sa aktor nitong Sabado, hindi naiwasan ni Padilla na ibahagi ang magandang balita sa tila magandang simula sa kanilang pagkaka-ayos ng anak. 

"Nagsimula na nga na noong birthday ko dahil nagulat rin ako dahil gabi na nung ma-received ko 'yung text," bahagi ng panayam sa aktor. 

Aniya, hindi niya inasahan na makakatanggap siya ng pagbati mula sa anak na hindi niya nakausap at nakapiling sa mahabang panahon. 

ADVERTISEMENT

"Noong una nga hindi ko alam na siya 'yun sabi ko 'number pa pala niya ito. Actually hindi ko alam, bigla na lang tumulo ang luha ko." 

Nais man aniya na itago na lang para sa kaniyang sarili ang naging pag-uusap nila ng kaniyang anak, aminado ang aktor na mas nangingibabaw sa kaniya ang labis na kasiyahan dito. 

"Tinatanong ko rin sa sarili ko kung dapat ba na sabihin ko sa mga press na nag-text siya sabi ko hindi ko alam kung tama, pero 'yun ang nararamdaman ko at okay naman na malaman ng tao na nag text na siya sa akin, proud lang ako." 

At sa muling pag-uusap nila ng anak, umaasa rin si Padilla na masundan ito ng muli nilang pagkikita kasama ang mga kapatid nito na sina Claudia at Leon. 

"I think I should talk to her more privately kasi hindi ko alam kung ang mga number ba nila ay existing pa." 

Sa huli umaasa ang aktor na maging magandang simula ito sa maayos na relasyon niya sa kaniyang mga anak. 

"Siyempre masaya at masarap sa pakiramdam. I hope tuloy-tuloy na aming communication and I'm thankful na nabati niya ako noong birthday ko. I hope mabati na niya ako in every special occasion," pahayag nito. 

PANOORIN ANG BUONG PANAYAM KAY PADILLA:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.