'Tao Po' : Mga up and down sa karera ng singer-songwriter na si Maki | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po' : Mga up and down sa karera ng singer-songwriter na si Maki

ABS-CBN News
Published Oct 05, 2024 12:19 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi naging madali para kay Maki ang daan para makamit ang pangarap na maging singer.

"Actually nung bata ako, I was very very shy. As in, sabi ko talaga, kung dream ko to, bat ako mahiyain? dream mo na makakanta sa harap ng mga tao, nanginginig ka naman sa harap. So parang, ako, sabi ko, I had to, go out of my shell in order to pursue talaga yung dream ko."

High school siya nang magsimulang sumubok mag-audition sa iba't-ibang programa sa telebisyon.

"Marami akong moments na napahiya, na-reject, pinagtawanan. May mga times na may nasasabi yung ibang tao. Masakit sya para sa isang fifteen-year old na nag-try lang mag-audition for opportunity. yung pauwi ka tas naiiyak ka sa jeep.

Sa panahong lugmok si Maki, musika pa rin ang kanyang naging sandalan.

"Yun 'yung nagsalba sakin sa lahat ng bagay, yung feeling na hindi ka makatulog, makikinig ka lang ng music. Yung feeling na walang nakaka-relate sayong mga kaibigan mo, pero, may mga songs, may mga certain tayong idols na, gets pala nila ako, may nakaka-feel din pala ng ganon, may nakakaintindi rin pala sakin, so ganon."

Ang bawat pangamba at katanungan sa kanyang karera, ibinuhos nya sa mga isinulat na kanta. Nitong 2023, ni-record ni Maki ang mga kantang “Sigurado?” “Siguro?” “Kailan?” “Bakit?” At “Saan?”

"Ang dami kong tanong sa mundo na bakit everytime pag ako hindi puwede. Mayroon akong kanta na sinulat na 'Siguro.' Bakit kailangan pag ako, laging siguro, hindi katiyakan. Bakit laging onti na lang, hindi siya. Parang everytime lagi, bakit walang pumipili sa akin?"

Sa pagtatanong ni Maki, tumugon ang mga fans. Tinangkilik ang kantang “Saan?”.

"Sobrang napo-proud ako na hindi ako tumigil. Nung ni-release ko yung Saan, Lord sabi ko just this one song. Baka puwede ulit. Baka may makinig sa akin."

Answered prayer din ang sumunod na kanta ni maki. Naging hit at viral ang kantang dilaw. Nag-top din ang kanta sa kauna-unahang Billboard PH Hot 100.

Ang payo nya para sa mga nangangarap tulad nya, "It’s never too late to try. At be willing to wait, be willing to try, be willing to endure all the rejections as much as you want to be accepted. So, ang masasabi ko diyan, hindi mo kailangan maghanap kahit sa QC man yan sa UP or BGC. Hindi mo kailangan maghanap. Kung para sayo, pupunta yan sayo."

Ulat ni Lyza Aquino para sa programang Tao Po. (July 28, 2024)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.