Batang Quiapo: Don Facundo, ginantihan si Tanggol | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang Quiapo: Don Facundo, ginantihan si Tanggol

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2024 11:22 AM PHT

MAYNILA -- Naging mainit ang mga eksena sa "FPJ's Batang Quiapo" nitong Miyerkoles matapos na malaman ni Don Facundo (Jaime Fabregas) at kanyang pamilya na si Tanggol (Coco Martin) ang pumatay sa kanyang apo na si Pablo (Elijah Canlas).

Sa episode 425, tuluyang nabitag si Tanggol at kanyang grupo nang magtungo sila sa lugar nina Don Facundo para kunin ang kanilang kinita.

Duguan si Tanggol nang siya ay magising matapos na hampasin ng baril sa likuran sa muling paghaharap nila ni Don Facundo.

Ipinakaladkad din sa kabayo ni Don Facundo ang duguang si Tanggol. Matatandaang pinatay ni Tanggol si Pablo dahil sa panghahalay at pagpatay nito kay Bubbles (Ivana Alawi).

ADVERTISEMENT
Nitong Miyerkoles ng gabi, nakapagtala ang "FPJ's Batang Quiapo" ng 655,675 concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Mga kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT