MMDA nagbabala laban sa pagbebenta ng MMFF passes, pekeng tickets | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA nagbabala laban sa pagbebenta ng MMFF passes, pekeng tickets

MMDA nagbabala laban sa pagbebenta ng MMFF passes, pekeng tickets

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo laban sa mga nagbebenta ng complimentary passes ng Metro Manila Film Festival.

Ang passes ay complimentary tickets ng MMDA sa mga empleyado at hindi ipinagbibili.

"Labag ito sa batas dahil hindi for sale ang ating mga passes. Nakalagay rin mismo sa tickets na 'strictly not for sale' ang mga ito. Maaari kayong makasuhan at makulong kung kayo ay mahuling nagbebenta o bumibili nitong mga passes," ayon sa MMDA.

Binalaan din ang publiko sa mga gumagawa ng pekeng MMFF passes.

ADVERTISEMENT

"Huwag bumili nito online o saanman. Siguraduhing original ang hawak nating mga passes at reputable ang pinanggalingan nito. Huwag magpapaloko. Hindi niyo na nga ito magagamit, makakasuhan pa kayo ng falsification," ani ng MMDA.

Hinikayat ng MMDA na ipaalam sa mga awtoridad o tumawag sa MMDA hotline 136 kung may makitang nagbebenta o bumibili ng MMFF passes.

"Ang gusto natin ay mag-enjoy ang lahat sa panonood sa ating espesyal na film festival. Kailangan nating suportahan at protektahan ang Filipino movie industry," ayon sa MMDA.

"Sa panonood natin ng mga pelikula sa sinehan, sinusuportahan natin ang napakaraming Pilipinong nagsumikap para mabuo ang mga paboritong pelikula natin."

Gaganapin ang 2019 MMFF mula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2020.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.