Labi ng OPM icon na si Danny Javier na-cremate na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Labi ng OPM icon na si Danny Javier na-cremate na

Labi ng OPM icon na si Danny Javier na-cremate na

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2022 08:39 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Na-cremate ngayong umaga ng Linggo ang labi ng yumaong OPM icon na si Danny Javier sa Heritage Park, Taguig City.

Ito'y kasunod ng huling Misang dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan, na punong-puno ng emosyon sa kanilang pamamaalam sa miyembro ng APO Hiking Society.

Sumakabilang buhay si Javier noong Oktubre 31 sa edad na 75, bunsod ng matagal na niyang karamdaman sa bato.

"Your love and presence, all of you are much appreciated," sabi ng kapatid ng singer-songwriter na si Leyte Vice Governor Sandy Javier sa mga nakiramay.

ADVERTISEMENT

"I've lost my only kuya," dagdag ni Javier.

Nagbigay-pugay din nitong madaling araw ng Linggo si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Noong gabi ng Sabado, nag-eulogy naman ang hosts ng dating ABS-CBN show na "'Sang Linggo nAPO Sila" na sina Amy Perez, Agot Isidro at Melissa de Leon.

Inalala rin si Javier ng mga kasamahan sa APO Hiking na sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes, na madamdaming nagbalik-tanaw sa huli nilang pagkikita sa ospital.

"I sang to him the Beatles' song 'Two of Us,'" kuwento ni Garrovillo.

"I said 'I love you bro' [then] he pressed my hand hard and long," sabi naman ni Paredes.

Nakatakda ang inurnment ng labi ni Javeir sa Martes sa Heritage Park.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.