Brenda Mage, six-digits na ang kinikita bilang vlogger kada buwan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Brenda Mage, six-digits na ang kinikita bilang vlogger kada buwan

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2020 12:53 PM PHT
|
Updated Oct 13, 2020 04:55 PM PHT

MAYNILA -- Maliban sa pagiging parte ng sikat na seryeng "Ang sa Iyo ay Akin," ang pagiging vlogger ang isa sa pinagkikitaan ni Brenda Mage o Bryan Tagarao sa totoong buhay.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inamin ni Brenda na sa kabila ng pandemya ay nagawa niyang maging positibo sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

"Medyo unfair sa mga nagsa-suffer dahil sa nangyayari sa ngayon. Pero sa akin sobrang positive ang nangyayari kasi naging advantage ko siya as content creator o vlogger. Parang mas lumaki ang kita ko, mas tumaas ang viewers ko kasi nasa bahay lang ako nagba-vlog. So ginawa ko siyang motivation para makapagpasaya sa ibang taong nadi-depress. Kahit sa mga nasa ibang bansa, at dito sa Pilipinas na nawalan ng trabaho, nasa bahay lang, pinapanood nila 'yung videos ko," ani Brenda, ang nagwagi sa Miss Q&A InterTALAKtik ng "It's Showtime."

"Bukod sa nakakapagpasaya ako sa kanila ay kumikita rin ako. So naging positive siya sa akin kasi mas nagkaroon ako ng malaking income dahil dito sa pandemic na nasa bahay lang ako," dagdag ni Brenda na inaming ang kanyang pagiging vlogger ang bumuhay sa kanya nitong panahon ng quarantine at maging ng walong kasamahan niya sa bahay.
Patuloy din aniya ang pagtulong at pagbibigay niya ng suporta sa kanyang spamilya.

Ani Brenda, kumikita siya ng ilang daang libong piso sa pagiging content creator sa YouTube at sa Facebook.

"Dati four months ako bago kumita. Unang kita ko P5,000. Tuwang-tuwa na ako. Tapos nung medyo nakilala na ako sa Miss Q&A, ang dami nang nagti-trend na videos.Ngayon so far both kumikita ako sa Facebook at YouTube. Tapos pareho silang tig-six digits. Sa ngayon sa nangyayari sobrang laki na 'yan," pag-amin ni Brenda.

"Sobrang sarap sa feeling din kasi. Kasi kapag kumikita ko, ang kita ko sa Facebook diretso sa bangko. Ang kita ko sa YouTube, bukod sa pamilya ko at mga baklang kasama ko, 'di ko lang bina-vlog, 'yung iba bumibili ako ng bigas, may certain areas na nagbibigay ako ng relief goods, mga ganoon," dagdag ni Brenda na hindi itinagong kumikita siya ng P100,000 hanggang P300,000 sa isang buwan bilang vlogger.

Bilang vlogger, ibinahagi rin ni Brenda ang masasakit na komentong nakukuha.

Pero aniya, hindi niya pinapansin ang bashers dahil batid niya na tulong para sa kanya ang panonood ng mga ito ng kanyang videos.

"Ang content ko hindi maiiwasan na iba-bash ka kasi kabastusan daw. Tapos nung namatay 'yung dalawang vlogger na sikat, ang laging sinasabi ang puro comment, 'sana ikaw na lang 'yung nawala hindi si ganito.' Simula noong nangyari na may namatay na vlogger 'yun ang bash sa akin na masakit. Okay lang kasi habang namba-bash ka ibig sabihin nanonood ka ng videos ko. At the end of the day, viewer pa rin kita. So salamat sa basher," ani Brenda.

Sa ngayon ay mapapanood si Brenda sa "Ang sa Iyo ay Akin" kung saan bida sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano.

Sa ilalim ng direksiyon ni FM Reyes, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang "Ang sa Iyo ay Akin" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at sa A2Z Channel 11, pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."