Beteranong direktor Mike Relon Makiling, pumanaw na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Beteranong direktor Mike Relon Makiling, pumanaw na

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2018 01:45 PM PHT

MAYNILA -- Sumakabilang buhay na nitong Huwebes, Oktubre 11, ang beteranong direktor na si Mike Relon Makiling.

Pumanaw sa komplikasyon ng sakit na colon cancer si Makiling sa edad na 86 anyos.

Ayon sa Facebook post ng anak niyang si Joachim Pineda Makiling, Hulyo nitong taon ng nadiskubre nila ang karamdaman ng kanyang ama.

Simula noon nagpabalik-balik na sa opsital ang direktor bago binawian ng buhay nitong araw.

ADVERTISEMENT
Si Makiling ang direktor ng mga sikat na kwelang pelikula na pinagbidahan nila Tito, Vic and Joey, Herbert Baustitsa, Jimmy Santos, Rene Requiestas, Chiquito at Comedy King na si Dolphy.

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Makiling ay ang "Mang Kepweng's Final Conflict" (1981), "Like Father, Like Son" (1985), "Kumander Gringa" (1987), "Bondying:The Little Big Boy" (1989), "May Pulis, May Pulis sa Ilalim ng Tulay" (1989) "Bikining itim" (1990) "Anak ni Janice" (1991) at "Manolo en Michelle Hapi Together" (1994).

Bumuhos na ang pakikiramay sa mga naulila ng beteranong direktor.

Ayon sa mga ulat, sa kanilang tahanan sa Balicbalic, Maynila ilalagak ang kanyang mga labi.