Aga Muhlach, naniniwalang 'magic' ang pelikula nila ni Bea | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aga Muhlach, naniniwalang 'magic' ang pelikula nila ni Bea

Aga Muhlach, naniniwalang 'magic' ang pelikula nila ni Bea

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- "It's all magic."

Ganito inilarawan ni Aga Muhlach ang pagkakataon na makasama sa isang pelikula ang aktres na si Bea Alonzo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Aga ang kuwento kung paano nagsimula ang pelikulang "First Love" nila ni Bea.

"So I'm happy that for the longest time I've never worked with Bea and I thought I wouldn't be working with her anymore. We were given the chance to work at the perfect time. Mahabang story ito. Paul Soriano came to my house and present me this story and I said, 'Paul, kung may gagawin tayo I want to work with Bea.' And then he goes, 'Oh my God! Aga, are you serious?' Sabi ko, 'Yes, I want to do this film with Bea.' And then ipinakita niya 'yung presentation niya, nandoon 'Aga-Bea.' So ganun nangyari 'yon. Paul thought about it and I said yes and talagang kinilabutan kami," ani Aga.

"And that night, hindi ko naman ito (si Bea) natatawagan, hindi ko siya nakakausap. Talagang naglakas loob ako, I called her. Surprisingly mayroon akong number ni Bea Alonzo sa phone ko. So sabi ko, 'Bea (this is) Aga. May I call?' Tapos nag-usap na kami. 'There's this project. Would you want to do it? Please do it. It's really nice, I guarantee you,'" dagdag na kuwento ni Aga.

ADVERTISEMENT

Naniniwala si Aga na nakatadhana ang pagsasama nila ni Bea sa isang pelikula.

"It's all magic. Sabi ko nga wow! How did this all happen, really?" ani Aga.

Nagtungo pa sa Vancouver sina Aga at Bea para sa shooting ng pelikula.

Tulad ni Aga, naniniwala rin si Bea na tila-magic ang proyekto nila ng batikang aktor.

"Pero sa totoo lang, 'yung proseso, hindi siya sobrang madali. Nung nandoon kami sa Vancouver parang magic, nagtuloy-tuloy lang lahat ng mga kailangan naming gawin. Pero 'yung journey bago kami nag-Vancouver, medyo mahirap. Kung paano isinulat 'yung script, the moment I read, ang ganda. Medyo natakot ako, kasi naisip ko, kaya ko ba ito?" dagdag ni Bea.

Ipapalabas ang "First Love" simula ngayong Oktubre 17.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.