Ilang dating celebs naghain ng kandidatura para sa Halalan 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang dating celebs naghain ng kandidatura para sa Halalan 2022

Ilang dating celebs naghain ng kandidatura para sa Halalan 2022

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 06, 2021 06:01 PM PHT

Clipboard

MAYNILA- Kasama rin sa mga naghain ng kanilang kandidatura ang ilang mga celebrity at mga dating aktor.

Kabilang dito ang dating Quezon City mayor at aktor na si Herbert Bautista na tatakbong senador sa ilalim ng tiket nina presidential at vice presidential candidates Ping Lacson at Tito Sotto.

Nauna nang nagpaalam ang aktor noong 2019 sa politika matapos ang halos 2 dekadang panunungkulan sa QC bilang councilor at mayor.

"I’d like to thank the people of QC, from the security guards to the magtataho, to tricycle drivers, to elected city leaders, maraming maraming salamat po at naging bahagi kayo ng buhay ko. Sana po ay tulungan niyo pa rin ako sa panibagong yugto ng aking buhay, upang makatulong naman tayo sa nakakarami," ani Bautista.

ADVERTISEMENT

Naghain din ng kaniyang kandidatura si Monsour Del Rosario na dating kongresista sa 1st District ng Makati.

Tatakbo naman si Aiko Melendez sa 5th district ng Quezon City. Dati rin siyang konsehala.

Naghain din ng kaniyang kandidatura bilang konsehal sa 4th district si Bobby Andrews.

Sinamahan naman ni Ara Mina ang mister na si Dave Almarinez na tatakbong kongresista ng San Pedro.

Tatakbo ring kongresista si Richard Gomez sa ika-4 distrito ng Leyte, na susubukang palitan ang kabiyak na si Lucy Torres-Gomez sa huling termino nito sa Kongreso.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.