Tarzan ng duo na Tarzan at Baby Jane, pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tarzan ng duo na Tarzan at Baby Jane, pumanaw na

ABS-CBN News
Published Sep 19, 2018 12:51 PM PHT

MANILA -- Pumanaw nitong Martes sa edad na 76 si Horacio de Jesus o mas kilala bilang Tarzan ng singing duo na Tarzan at Baby Jane.

Ito ang kinumpirma ni Cristina Piamonte, pamangkin ni Baby Jane sa ABS-CBN News nitong Miyerkoles.

"Na-stroke po siya. Nasa ospital siya since Saturday, tapos nawala siya Tuesday morning. Sunday siya na-comatose," ani Cristina.

Matatandaang sumikat noong dekada '70 hanggang dekada '80 ang father and daughter tandem sa kanilang plakang "Kwelang-Kwela" tampok ang mga awiting pamasko.

Ilan sa mga pinasikat nilang awitin ang "Mano Po," "Nasaan Ang Nanay" at "Pasko ng Ninong Ko."

Pinasikat din ni de Jesus at anak niyang si Baby Jane ang awiting "Paskong Bukol."

Ayon kay Cristina, naging abala si de Jesus sa pagtatanghal sa mga piyesta bago ito pumanaw