PAKINGGAN: Pinagsama-samang Christmas station ID ng ABS-CBN | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PAKINGGAN: Pinagsama-samang Christmas station ID ng ABS-CBN

PAKINGGAN: Pinagsama-samang Christmas station ID ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Kagaya ng inaasahan, inabangan ng maraming Pilipino ang pagpasok ng Setyembre, na para sa kanila ay hudyat ng pagsisimula ng Christmas season sa bansa.

Kasabay ng mga biruan tungkol sa mga sikat na mang-aawit ng mga Christmas songs, inilabas ngayong Huwebes ng ABS-CBN Star Music ang isang compilation ng mga naging Christmas Station ID ng Kapamilya network.

Sa Youtube channel nito, pinagsama-sama ng Star Music ang lahat ng mga kanta ng ABS-CBN sa nakalipas na Kapaskuhan simula noong 2009 (Star ng Pasko) hanggang sa pinakahuli nitong 2021 (Andito Tayo Para sa Isa’t Isa).

Umani ng maraming papuri ang naturang video mula sa mga netizen, lalong lalo na sa mga solid Kapamilya audience.

ADVERTISEMENT

“This has been always part of every Filipino's Christmas season,” sabi ng isang fan.

Excited naman ang iba sa magiging station ID ng ABS-CBN ngayong 2022, gaya ng pag-abang ng mga Kapamilya fans taon-taon.

Marami rin ang nagsabing umaasa silang muling makabalik sa free TV ang ABS-CBN matapos pagkaitan ito ng broadcast franchise noong 2020.

“Na miss ko na po kyo ng sobra!! abs-cbn channel 2,” komento ng isang netizen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.