Seth Fedelin, naghahanda na para sa ABS-CBN Ball 2019 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Seth Fedelin, naghahanda na para sa ABS-CBN Ball 2019

Seth Fedelin, naghahanda na para sa ABS-CBN Ball 2019

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Ilang linggo bago ang inaabangang ABS-CBN Ball 2019, nagsimula na ang paghahanda ng aktor na si Seth Fedelin.

Sa Instagram, inilabas ng Star Magic ang video at mga retrato na kuha sa ginawang fitting ni Seth para sa kanyang isusuot.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Seth ang kasiyahan na maimbitahan para maging parte ng ABS-CBN Ball.

"Unang-una excited na excited talaga ako kasi napapanood ko lang sa TV 'yon, 'yung mga ball na 'yon at pumupunta ang mga artista. Tapos ngayon kasama na ako sa red carpet. Siyempre pinaghahandaan ko kahit simpleng damit lang. Basta excited, masaya," ani Seth.

ADVERTISEMENT

Bago pa man ang kanyang fitting, una nang inaya ni Seth ang kanyang "Kadenang Ginto" co-star na si Andrea Brillantes na maging date niya para sa inaabangang pagtitipon ng mga bituin ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.