KaladKaren, pumalag sa diskriminasyon ng isang resto bar sa Makati | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KaladKaren, pumalag sa diskriminasyon ng isang resto bar sa Makati

KaladKaren, pumalag sa diskriminasyon ng isang resto bar sa Makati

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Pumalag si Jervi Li o mas kilala bilang si KaladKaren sa hindi pagpapapasok sa kanila ng isang resto bar sa Poblacion, Makati nitong Linggo ng madaling araw.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, ibinahagi ni Li kung ano ang naganap sa naging pagtungo niya sa nasabing bar.

"Aba ay siyempre galit at lungkot ang naramdaman ko, sabi ko nga sa interview ito ay isang malinaw na pagtapak sa pagkatao namin. Maiintindihan ko kung hindi kami pinapasok dahil sa dress code nila...pero hindi kami pinapasok dahil sa kasarian namin, because of gender identity," ani Li.

"Nakita niyo naman sa video ang sinabi sa amin ng bouncer, na hindi ko rin naman sinisisi sa pangyayaring ito na 'hindi kayo makakapasok dahil bawal pumasok ang mga bakla sa loob.' I would also like to apooigize to the bouncer kung nadamay siya dito sa gulo na ito. Kasi kahit pinag-utusan siya ng management dapat siguro ma-explain niya rin sa amin ng maayos kung bakit ayaw kaming papasukin sa loob," dagdag ni Li.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Li, hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa nasabing bar kaya laking gulat niya sa nangyari.

Aniya, noong paalis na siya at mga kaibigan ay nakasalubong nila ang mga taga-barangay na siya niyang tinanungan kung may ordinansa ba na bawal pumasok ang mga bakla sa mga resto bar sa nasabing lugar.

Sagot ng mga taga-barangay walang ganoong ordinansa, dahilan para bumalik sila sa bar at makausap niya ang isa mga namamahala roon.

"According to him mayroon pong ladyboys daw na nang-harass at nagnakaw sa customer. Ang aking argumento dito ay bakit natin kailangang i-generalize ang lahat ng miyembro ng LGBT. You know anybody is capable of doing a crime, babae, lalaki, bakla o tomboy. Pero hindi mo maaring sabihin na kapag may baklang nanggulo diyan ay hindi mo na papapasukin ang lahat ng bakla. 'Yun ang pino-point out ko sa management noong nakausap ko sila," ani Li.

Nang matanong kung may legal silang hakbang laban sa may-ari ng resto bar, sinabi ni Li: "Nakikipag-ugnayan ang iba't ibang LGBT groups at trans groups sa amin para sa isang diyalogo o diskusyon para mapag-usapan po itong pangyayaring ito."

Sa huli, ibinahagi ni Li na kinailangan niyang manindigan na i-post ang video nang nasabing ang insidente sa kanyang social media accounts para magbukas ng kamalayan sa mga tao.

"Nilagay ko nga sa caption ng video na 'yon na this is one of the many reasons why the LGBT community, kailangan namin ng proteksyon. Kaya nararapat po na pag-usapan ulit ang pagpasa sa SoGIE (Anti-Discrimination Bill). Ito ay aking opinyon lamang para magkaroon kami ng proteksyon sa mga ganitong klase ng diskriminasyon," ani Li na iginiit na hindi na siya babalik pa sa nasabing bar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.