Karla Estrada, muntik manugod sa basketball game ni Daniel | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karla Estrada, muntik manugod sa basketball game ni Daniel

Karla Estrada, muntik manugod sa basketball game ni Daniel

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2017 12:41 AM PHT

Clipboard

Naging mainit ang Star Magic All Star basketball game kung saan nagwagi ang blue team ni Gerald Anderson laban sa koponan nila Daniel Padilla na red team, 93-90.

Maagang gumawa ng puntos si Anderson para sa blue team na nagbigay sa kanila ng lamang na 10 puntos.

Pero nakahabol ang red team sa mga puntos na naiambag nina Daniel, Ronnie Alonte, at iba pang players.

Mas lumaki pa ang lamang ng blue team sa dami ng steals at points mula turnovers. Umabot pa ng 15 puntos ang kanilang lamang sa third quarter.

ADVERTISEMENT

Sa mga back-to-back basket ni Ronnie at tres ni Daniel, nakadikit pa sila at naibaba ang lamang sa 3 puntos.

Sa isang punto ng laro, muntik pang mapasugod si Karla Estrada sa gitna ng court nang ma-foul ni JC de Vera ang anak na si Daniel.

Bahagyang nagkaroon ng tensiyon sa hard foul ni JC sa Teen King sa gitna ng agawan nila ng bola. Nawasiwas si Daniel at natumba sa sahig.

Pasugod na sana ang ina ni Daniel sa court pero napigilan siya ni Gerald.

Kuwento ng aktor, "Sabi ko, tita kalma lang, kalma lang."

ADVERTISEMENT

"Bugso 'yun ng emosyon ko nung nanonood ako natatawa nga ako sa sarili ko," ani Karla.

Ayon naman kay JC, nadala rin siya ng intensity ng laro.

"Nagsorry ako kay DJ (palayaw ni Daniel) sabi ko, 'sorry bro nadala lang ako ng emosyon. Sabi niya okay lang naman basketball lang 'yun," aniya.

Para kay Daniel, "Ganun talaga 'pag basketball may nasasaktan kaya OK lang."

Pero hindi nakaiwas si Daniel sa pulikat, pati teammates niyang sina Zanjoe Marudo at Axel Torres.

ADVERTISEMENT

Mythical five sina Daniel, Gerald, Ronnie, Zanjoe at Young JV.

Most Valuable Player naman si Gerald na nakalikom ng 42 puntos.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.