Chito Miranda, malaki pa rin ang pasasalamat sa gitna ng pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chito Miranda, malaki pa rin ang pasasalamat sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 12:13 PM PHT

MAYNILA -- Naniniwala si Chito Miranda, bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, na hindi man maganda ang sitwasyon dala ng COVID-19, marami pa ring mga bagay na dapat ipagpasalamat.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Linggo ng umaga, ibinahagi ni Miranda ang mga problemang dulot ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Pero sa kabila nito, nagpapasalamat siya sa pagkakataon na magkaroon ng oras para makapagpahinga at makasama ang kanyang pamilya.

"Sobrang daming hassle ang dinulot ng virus na 'to," pauna ni Miranda. "In my case, tumigil ang gigs. Sarado halos lahat ng mga restaurants at bars na part-owner ako of, at 'yung mga hindi naman namin sinara, wala namang kinikita... tinuloy lang namin 'yung operations para at least may pan-sweldo kami sa mga staff, at may pambayad kami ng rent. Buti na lang meron akong condo at townhouse na pinapa-rent... at least may monthly income ako, just enough to sustain my family's needs."

Kuwento ni Chito, bago ang lockdown ay abala sila ng banda sa mga gig. Pag-amin niya, kahit pa gusto nilang maghinay-hinay ay hindi sila makatanggi dahil sa malaking talent fee.

"Bago mag-lockdown, sobrang sagad ng sked namin sa Parokya. Palaging kong sinasabi na 'ang dami ko ngang pera, 'di ko naman nakakasama pamilya ko,' and kahit gusto ko mag-slow down sa pagbabanda to have more time for my family (not naman 'totally quit', but to just 'cut down' dahil sobrang enjoy pa naman ako tumugtog), hindi ko magawa dahil 'di ako makatanggi sa laki ng TF...mukha kasi akong pera hehe! Kahit anong sabihin ko na 'wag muna tayo masyado tumanggap ng mga gigs,' kapag sinilaw na kami ng salapi, napapa-oo nalang talaga kami... Ang ending, araw-araw pa rin kami tumutugtog, at never natutuloy yung ninanais ko na pahinga," kuwento ni Miranda.

"Now, we were given the chance (more of 'forced,' kasi wala kaming choice) to take the break that I was longing for... at dahil dun, nagpapasalamat ako. Di man ako kumikita ngayon ng todo-todo, araw-araw ko namang kasama ang pamilya ko. Sobrang healthy din ako ngayon kasi I sleep and wake up early, regularly. Mas healthy din 'yung diet ko ngayon kasi lutong bahay ako everyday, hindi tulad ng dati na halos araw araw fast-food because we'd always be on the road. Mas relaxed din si Neri ngayon kasi nandito lang ako sa bahay palagi, at 'di s'ya nag-aalala sa safety ko, kasi syempre mas relatively safe dito sa bahay, compared sa kapag biyahe ako ng biyahe," ani Miranda.

Sa huli, isang paalaala ang iniwan ni Miranda sa kanyang mga tagahanga at tagasunod.

"Our current situation is far from ideal, but we still have a lot to be thankful for. Let us always remind ourselves to count our blessings," aniya.