FAST method scene ni Kathryn Bernardo sa '2 Good 2 Be True,' hinangaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FAST method scene ni Kathryn Bernardo sa '2 Good 2 Be True,' hinangaan

FAST method scene ni Kathryn Bernardo sa '2 Good 2 Be True,' hinangaan

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa
Screenshot mula sa '2 Good 2 Be True' episode.

MAYNILA — Hinangaan sa social media ang paggamit ng karakter ni Kathryn Bernardo (Ali) sa '2 Good 2 Be True' ng Function Analysis System Technique (FAST) method para malaman kung na-stroke ba si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez).

Sa episode na pinamagatang "A Critical Situation," hindi maayos ang estado ni Lolo Hugo kaya agad na pinaupo ni Ali ang kanyang amo at tinaggal ang butones ng damit para gumaan ang pakiramdam.

Hindi rin agad pinainom ng tubig ni Ali ang amo at ginawa na ang FAST method at napansing nakakaranas ito ng facial drooping, arm weakness, at ng speech difficulty kaya naman humingi agad siya ng tulong para pumunta sa ospital.

Natuwa ang mga netizen sa tamang proseso at pagbibigay ng edukasyon hinggil sa stroke ng episode.

ADVERTISEMENT

"This is so trending and super deserve! aside from informing us what is fast method, vevs, @bernardokath ginalingan mo talaga," saad ng isang netizen.

"Ali owns that scene and this episode. Yung control ng emotions niya while doing the FAST method. Ang husay husay mo @bernardokath."

Mapapanood ang advance episodes ng "2 Good 2 Be True" sa Netflix at iWantTFC. Mapapanood rin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.