Jericho o Sam: Sino'ng mas magaling humalik para kina Yam, Yen? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jericho o Sam: Sino'ng mas magaling humalik para kina Yam, Yen?

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2018 04:17 PM PHT

Tila napasabak sa hot seat sina Yam Concepcion at Yen Santos nang tanugnin kung sino sa leading men nila sa nalalapit na seryeng "Halik" ang mas magaling humalik.

Susundan ng serye ang pagpapalit ng kapares ng dalawang mag-asawa, at gaya ng pahiwatig ng pamagat ay marami itong ipalalabas na kissing scene.

Kaya sa "Tonight With Boy Abunda" na umere noong Martes, hindi naiwasang maitanong kina Concepcion at Santos kung sino ang "better kisser" sa mga co-star nilang sina Jericho Rosales at Sam Milby.

Ayon kay Concepcion, mas pipiliin niya ang "passionate" kiss ni Rosales kaysa sa "wild" kiss ni Milby.
Ayon kay Concepcion, mas pipiliin niya ang "passionate" kiss ni Rosales kaysa sa "wild" kiss ni Milby.
ADVERTISEMENT
"Walang personalan pero more on, kunyari, sa eksena, since asawa ko si Echo (Jericho) dito, passionate 'yong kiss niya sa 'kin," paliwanag ni Concepcion.

"Si Sam naman sobrang wild ng kiss niya. So doon na ako sa passionate," ani Concepcion.

Sumang-ayon si Santos kay Concepcion na "wild" humalik si Milby.

"Parang may pag-ano eh, gigil," ani Santos.

"Palaging nakabukas 'yong lips niya, parang buong bibig gusto niyang ano, nangangain," dagdag ni Santos.
"Palaging nakabukas 'yong lips niya, parang buong bibig gusto niyang ano, nangangain," dagdag ni Santos.
ADVERTISEMENT
Nang tanungin ni Abunda kung gawa raw ng karakter ni Milby ang pagiging "wild" ng halik niya, napatawa na lang ang dalawang aktres.

"Baka gano'n lang siya talaga mag-kiss," ani Santos.

"Nasa character naman," dagdag ni Yam.
"Nasa character naman," dagdag ni Yam.
Nitong Agosto nakatakdang ipalabas ang "Halik."

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Halik
Sam Milby
Jericho Rosales
Yam Concepcion
Yen Santos
teleserye
Tonight With Boy Abunda
TWBA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT