Gina Pareño, may tampo nga ba kay Coco Martin? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gina Pareño, may tampo nga ba kay Coco Martin?

Gina Pareño, may tampo nga ba kay Coco Martin?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 31, 2018 04:38 PM PHT

Clipboard

Aminado ang beteranang aktres na si Gina Pareño na nami-miss na niya ang “FPJ’s Ang Probinsyano” star na si Coco Martin.

“Nami-miss ko na, hindi na ako tinatawagan,” ani Gina sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, sa red carpet premiere ng kanyang independent film na “Rendezvous.”

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Huling nakasama ni Gina si Coco nang minsan siyang mag-guest sa “Ang Probinsyano” bilang si Madaam Olga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ganun pa man, naiintindihan pa rin daw ng beteranang aktres na abala ngayon si Coco sa kanyang mga trabaho.

ADVERTISEMENT

“Hindi na ako binabati. Naisip ko yan ‘si Coco [Martin] parang hindi na ako tini-text, dati dati nag-text 'yan ng ‘lola, kumusta ka na ngayon?’ Siguro baka busy,” ani Gina.

Pero todo papuri naman ang aktres sa husay at dedikasyon ni Coco sa kanyang pagiging direktor.

“Ang gwapo gwapo niya, at ang galing galing niya, bilang direktor. Lahat ata magaling na siya,” pahayag pa ni Gina.

Sa ngayon, naghahanda si Gina sa isang comedy-drama movie kasama si Eddie Garcia na “Hintayan sa Langit.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.