'Ang Probinsyano': Cardo, balik-SAF para ipaghiganti ang namatay na anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Ang Probinsyano': Cardo, balik-SAF para ipaghiganti ang namatay na anak
ABS-CBN News
Published Jul 07, 2017 02:25 AM PHT
|
Updated Jul 08, 2017 06:25 PM PHT

Gusto mang iwanan ni Cardo (Coco Martin) ang pagpupulis para mabuhay ng normal at magsimula ng pamilya kasama ang kanyang kabiyak na si Alyana (Yassi Pressman) ay sadyang ayaw siyang lubayan ng mapaglarong tadhana.

Nitong Huwebes sa "Ang Probinsyano" ay nakapag-desisyon si Cardo na bumalik sa serbisyo at tulungan ang mga kapwa niya miyembro ng SAF na hulihin ang mga teroristang responsable sa pambobomba sa isang mall, kung saan nasawi ang kanyang anak.

"Huwag kang mag-alala, babalik ako sa iyo ng buong-buo," ani Cardo sa kanyang misis bago umalis. "Pagkatapos ng aking misyon, babalik ako dito at magsisimula uli tayo ng panibago nating pamilya."

Hindi naging madali para kay Alyana ang naging desisyon ni Cardo pero alam niyang hindi niya mapipigilan ito. Wala na siyang ibang nasabi pa kung hindi: "Araw araw kitang hihintayin."

Kasabay nang naging desisyon ni Cardo ay ang anunsyo na idadagdag sa cast ng serye sina Ejay Falcon, Dominic Roque at Ron Morales, bilang mga kasamahan niya sa SAF. Si Louse Delos Reyes ay mapapanood na rin sa teleserye.

Nagtapos ang episode nang kausapin ni PNP chief Rodolfo Recto (Eddie Gutierrez) si Cardo: "Kailangan ka ng ating bansa. Welcome back."