Ez Mil, ipinakilala ang nobya sa 'Magandang Buhay' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ez Mil, ipinakilala ang nobya sa 'Magandang Buhay'

Ez Mil, ipinakilala ang nobya sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Ipinakilala ni Ez Mil ang kanyang nobya sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

Maliban sa pagiging nobya ay tumatayo rin ngayon bilang stylist ng singer-rapper si Rez Castra.

Sa programa, sinabi ni Castra na mas nauna niyang nakilala sa trabaho ang ina ni Ez Mil.

"Sa (cellphone) kami unang nagkita. Ang history po kasi namin ay kami po ni mommy 'yung unang nagkakilala kasi magka-work kami," ani Castra.

ADVERTISEMENT

Pag-amin ng ina ni Ez Mil na si Hazel, gusto niya si Castra para sa kanyang anak.

"Nakita ko kasi si Rez napaka-family-oriented niya. Maalaga siya at lagi siyang nag-aalala sa nanay at tatay niya. Sabi ko, 'gusto ko maging girlfriend ng anak ko 'to,'" kuwento ng ina ni Ez Mil na kasama ring bumisita sa "Magandang Buhay."

Watch more News on iWantTFC

Sumikat ni Ez Mil sa awitin niyang "Panalo."

Aabangan si Ez Mil sa kanyang homecoming show sa Subic Gym ngayong Agosto 13.

Mapapanood din si Ez Mil sa 1MX na gaganapin sa London sa Hulyo 30 kung saan makakasama niya sina Bamboo, KZ Tandingan, Darren Espanto at iba pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.