Matapos ang ‘Fan Girl,’ Paulo Avelino, Charlie Dizon, muling magsasama sa isang proyekto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos ang ‘Fan Girl,’ Paulo Avelino, Charlie Dizon, muling magsasama sa isang proyekto

ABS-CBN News
Published Jun 23, 2021 06:21 PM PHT

Matapos ang tagumpay ng pelikulang “Fan Girl,” muling magsasama sa isang proyekto sina Paulo Avelino at Charlie Dizon, ayon sa aktres.

Ibinahagi ni Dizon ang magandang balita sa kaniyang Instagram account kung saan kinumpirma nito na may reunion project sila ng beteranong aktor.

“Reunion project with @pauavelino,” maikling tugon ni Dizon sa caption.

Kasama rin sa post ang Instagram account ng Project 8 na nasa likod din ng award-winning movie na “Fan Girl.”
Kasama rin sa post ang Instagram account ng Project 8 na nasa likod din ng award-winning movie na “Fan Girl.”
ADVERTISEMENT
Mapapanood na rin sa digital streaming platform na Netflix ang “Fan Girl” na humakot ng parangal sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Umikot ang istorya sa isang 16 anyos na fan na sinubukang pumasok sa bahay ni Avelino isang gabi na nagpapakita kung gaano ka-obsessed ang maraming fans sa kanilang mga iniidolo.

Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, nakuha ng pelikula ang Best Cinematography, Best Sound, Best Editing, Best Screenplay, at Best Picture sa 2020 MMFF.

Pinarangalan din sina Dizon at Avelino bilang Best Actress at Best Actor ng film fest habang Best Director naman si Jadaone.

Pitong parangal naman ang tinanggap nito sa 4th Eddys: Best Picture, Best Screenplay, Best Sound, Best Editing, Best Actress, Best Actor at Best Director.

Abala rin si Dizon sa inaabangang serye na “Viral” kung saan gaganap ito bilang isang biktima ng isang sex scandal.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT