John Arcilla ipinagluluksa ang pagkamatay ng kapatid sa gitna ng pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
John Arcilla ipinagluluksa ang pagkamatay ng kapatid sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News
Published Jun 17, 2021 05:16 PM PHT

Isang taon matapos pumanaw ang kaniyang ama, muling sinubok ang pamilya ng beteranong aktor na si John Arcilla sa gitna ng pandemya matapos mamatay ang kapatid na nasa Baler, Aurora nitong Hunyo 14.

Sa isang mahabang post, ibinahagi ni Arcilla ang panibagong dagok sa kanilang buhay na sinamahan pa ng mga restriksyon dala ng COVID-19 lalo pa’t nagpositibo umano ang kapatid sa coronavirus gamit ang antigen test.

Dahil dito, kinailangan ilibing agad si Emmanuel Arcilla base na rin sa protocol para sa mga namamatay na positibo sa COVID-19.

Hindi rin nasilayan ng mga anak at apo ni Emmanuel ang kaniyang labi dahil sumailalim na sila sa quarantine.
Hindi rin nasilayan ng mga anak at apo ni Emmanuel ang kaniyang labi dahil sumailalim na sila sa quarantine.
ADVERTISEMENT
“My elder Brother passed away in time of PANDEMIC in Baler June 14, 2021 DOA at the Hospital. This heartbreaking incident is just a year apart from my Father’s, who left us on April 5, 2020 just almost 2 weeks after the first lockdown in Manila,” ani Arcilla.

Ang mas ikinalulungkot ng aktor ay nasa sitwasyon muli sila tulad noong pumanaw ang kaniyang ama noong Abril 5, 2020 kung saan bagamat hindi ito positibo sa coronavirus ay hindi rin sila napayagang mapaglamayan muna ang mga labi nito.

“It’s been a year, since my father’s passing and here we are again, yet our COVID cases are even scarier and greater while the VACCINES are already available. BALER now has around 50 cases,” paliwanag ni Arcilla.

Base sa kaniyang post, idineklarang dead on arrival ang kapatid dahil sa heart failure at makalipas ang ilang minuto sinabi ring positibo ito sa antigen test -- bagay na hindi sigurado ang aktor kung tama ang resulta.

Paliwanag niya, marami na siyang kakilalang doktor na nagsabing may inaccuracy pa sa result ng antigen tests lalo pa’t makailang ulit na ring may nakaranas na mag-false positive sa nasabing procedure.

Hindi naman umano niya nais na mag-akusa kung kanino ngunit iniisip lamang nito na maaaring may mali sa testing tools na ginamit.

“I know I should blame NO ONE since the inaccuracy in medical results and diagnostics will not be taken against HOSPITALS or DOCTORS. It could be in the testing tools or in the procedures itself since it is not a hundred percent perfected yet as experts said. So now my brother will be clinically declared as a person who died of covid, with uncertainty,” lahad ni Arcilla.

Dito na rin inamin ng aktor na napapanood sa “Ang Probinsyano” na nagpositibo na rin siya sa COVID-19 noon sa Amerika bukod pa sa dalawang iba pang kapatid na nakarekober din sa virus.

“Around November in 2020, my younger sister and her family survived covid in their house. They just followed the advice of a Doctor’s vlog on how to Deal with Covid. Last January 2021, I survived Covid in the US. It was a severe one and I consider this my second life,” pahayag ng aktor.

Umaasa si Arcilla na magiging responsable ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya upang hindi na sila matulad sa pinagdaanan ng kaniyang pamilya.

“It is all our responsibility. We need to mature as people to ACT RESPONSIBLE and RELIABLE to LESSEN or totally avoid these kinds of misfortunes,” dagdag nito.

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT