‘Sepanx’ is real para sa ilang performers ng ‘Your Face Sounds Familiar’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Sepanx’ is real para sa ilang performers ng ‘Your Face Sounds Familiar’

‘Sepanx’ is real para sa ilang performers ng ‘Your Face Sounds Familiar’

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Instagram ni Klarisse de Guzman


Ilang araw matapos tuluyang matapos ang “Your Face Sounds Familiar,” inamin ng dalawa sa mga kalahok nito na hindi pa rin sila makapaniwalang natapos na ang kompetisyon.

Ayon sa miyembro ng trio na iDolls na si Enzo Almario, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ito ng separation anxiety o sepanx para sa mga nakasama sa buong show.

Hindi lang aniya mga kasama niyang performers ang nami-miss niya kung 'di maging ang mga staff na siyang kausap niya madalas.

“Sa totoo lang, sepanx na sepanx ako sa buong show, hindi lang sa mga co-performers ko. 'Yung sa mga staff din, stylists, mga makeup artists, prosthetics, kasi 'yan mga ka-chismisan ko. 'Yun ang mga ma-mi-miss ko,” pag-amin ni Almario.

ADVERTISEMENT

Inalala rin niya ang tumatakbo sa kaniyang isip sa grand showdown noong nakaraang weekend.

Napakabilis umano ng oras dahil hindi na nila namalayan na iyon na pala ang huli nilang pagtatanghal kung saan ginaya niya ang The Three Tenors kasama sina Lucas Garcia at Matty Juniosa.

“Nung grand showdown nga, sabi ko 'oh my gosh, last na to. Last na 'yung ganitong eksena.' Nakakalungkot kasi ang bilis-bilis ng nangyari. Parang kaka-start lang namin, kaka-Hagibis lang namin ta's ito na, Three Tenors na,” ani Almario.

Hindi naman makakalimutan ni CJ Navato ang pagsasamahang nabuo nilang mga contestant sa season 3 ng talent show lalo na tuwing nagku-kwentuhan sila kada matapos ang taping.

Aniya, madalas nilang pag-usapan pagkatapos ng mga pagtatanghal ang kanilang mga nararamdaman kagaya ng hirap sa paggaya ng mga nakuhang celebrity icons.

ADVERTISEMENT

“Yung pagkatapos nung mismong cycle, 'yung laging dapat uuwi na lang kami pero laging may kwentuhan muna, tawanan, ano naramdaman kanina. It's the relief afterwards every after taping,” kuwento ni Navato.

“Siyempre kapag nasa taping, lahat gusto matapos ang performance, magawa nang maayos. Pero 'pag tapos na 'yun, makikita mo 'yung nararamdaman nila, it's funny. Dun kami nakaka-relate sa isat isa.”

Dagdag pa niya, lalo silang naging malapit sa isa’t isa dahil sa tagal ng pinagsamahan nila, nakita nila ang puso at dedikasyon ng mga kasamahan.

Pumang-apat sa kompetisyon ang iDolls na nanalo sa ikapitong linggo ng show nang gayahin sina Rod Stewart, Bryan Adams at Sting sa pagkanta ng “All For Love.”

Samantala, nakuha naman ni Navato ang atensyon ng mga jury sa ikaapat na linggo nang maging si Justin Bieber upang makuha ang panalo.

ADVERTISEMENT

Si Klarisse de Guzman ang itinanghal na grand champion na “Your Face Sounds Familiar” matapos ang mahusay na paggaya kay Patti Labelle sa grand showdown.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.